Chapter Nine

74 4 1
                                    

HINDI na tumuloy pa si Krisha sa pagpasok sa loob ng shop, umalis siya at diretsong nagpunta sa Jim's Grill & Restaurant. Kahit pagod siya mas gusto niyang magtrabaho kesa ang umuwi sa bahay, magpahinga at isipin ang nakita niya kanina, at higit sa lahat ayaw niyang umiyak. Gulat na gulat naman ang kanyang boss at si Sarah sa biglang pagsulpot niya roon.

"Krisha, bakit pumasok ka kaagad? Hindi ba't kararating mo lang galing Thailand?" bungad na tanong nito sa kanya. "Dapat nagpahinga ka muna kahit isang araw lang" patuloy nito.

"Tama ang kaibigan mo hija, dapat nagpahinga ka na muna" segunda ni boss Jim.

"Ayos lang po ako boss, mas gusto ko pang mapagod ang katawan ko kaysa ang puso ko." Pagkasabi nu'n ay dire-diretso siyang naglakad at pumasok na sa loob ng restaurant.

Hinugasan niya lahat ng kasangkapan sa kusina, pati ang mga malilinis ay hinuhugasan niya na rin para lang hindi siya mag-isip. Nang matapos siya maghugas ay nilinis niya naman ang loob ng kusina. Naramdaman niya ng lumapit sa kanya ang kaibigang si Sarah.

"Krish...anong problema? Bakit ka ganyan? Hindi ako sanay na tahimik at ganyan ka" sabi nito sa malungkot na tono.

"Ayos lang ako" mahinang sagot niya.

"No! Hindi ka ayos Krisha!" sigaw nito. Alam niyang wala ng mga customer sa labas dahil pasado alas-dose na ng hatinggabi kaya naman nagawa ni Sarah na sumigaw.

"I said I'm fine" patuloy lamang siya sa paglilinis ng lababo at hindi ito pinapansin.

"Your fine!?' sarkastikong tanong nito. "Alam mo ba na tatlong beses mo ng nilinis ang loob ng kusina na ito at tatlong beses mo na rin kinukuskos yang lababo na yan. Pwede na ngang manalimin eh tapos sasabihin mo ngayon sa akin na your fine?" naiinis na sabi ni Sarah.

Napahinto siya sa pagpupunas ng lababo dahil sa sinabi nito ngunit patuloy lamang siyang nakayuko.

"Krisha naman, sabihin mo sa akin ang problema mo. Noong nalugi ang restaurant ng mga magulang mo hindi ka naman naging ganyan. Hinarap mo ang dapat harapin, nagpakatatag ka. Tapos ngayon nagkakaganyan ka, ano ba kasing problema?" alam niyang asar at nag-aalala na si Sarah, nahahalata niya na sa tono ng pananalita nito.

Hindi niya tuloy napigilan ang sarili, nakayuko pa rin siya, at ang tahimik niyang pag-iyak ay unti-unting lumalakas.

"Ang sakit Sarah, ang sakit-sakit. Tagos eh, tagos na tagos" tinapat niya ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang dibdib at mahigpit na hinawakan ang kanyang damit.

"Sssshhh" naramdaman niya ang paghagod ng kamay nito sa kanyang likod. Lalo tuloy siyang napaiyak.

"Hindi ko alam na ganito pala kasakit ang maloko... hindi, ganito pala kasakit ang mabigo. Mas okay pa pala noon na trabaho at pag-aaral lang... ang ginagawa ko, dapat talaga hindi ko... sinabay ang puso. Para hindi ako... nakakaramdaman ng ganito ngayon." Paputol-putol niyang sabi dahil nahihirapan siyang magsalita dahil sa nahihikbi na siya sa kakaiyak.

"Ssshhh, tahan na Krish, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapagaan ang nararamdaman mo. Pero lagi mo lang tandaan, na bilang kaibigan mo lagi lang akong nandito"

Mas lalo siyang naiyak sa sinabi ni Sarah.

"Hindi kita bibitawan pero kung hindi ko matupad 'yan, pangako gagawin ko ang lahat masalo ka lang." Naalala niya ang pangako sa kanya noon ni Seb.

Anong nangyari Seb, bakit pinabayaan mo akong mahulog?

KAHIT hindi masyadong nakatulog kagabi si Krisha ay pinilit niya pa rin na pumasok sa university. Pagkatapos ng klase ay dumiretso siya sa tambayan nila nina Marco at Patricia.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon