Chapter Fourteen

80 3 0
                                    

Uunahan ko na kayo mahal kong readers. May part na puro English ang ginamit ko, hindi ko kasi ma-express ang gusto kong sabihin sa tagalog, pagtiyagaan niyo na sana ang grammar ko kung mali *wink*

Enjoy reading...

============================================================

 BAGO magsimula kanina ay napagkasunduan nilang umiinom na kahit kaonti para daw magkaroon sila ng lakas ng loob sa kung anumang dare ang makukuha nila. Kaya naman alam niyang medyo may tama na ang tatlo dahil ang salita palang kaonti sa mga iyon ay marami na sa kanya, siya lamang ang hindi uminom ng marami para masiguro niyang kahit isa sa kanila ay may kakayahan pang magligpit ng magiging kalat nila mamaya. May pagkamakulit na nga ang magpinsan samantalang tahimik naman si Seb. Hindi niya tuloy alam kung may tama na din ba ito o wala.

Ilang minuto na din ang lumipas ng simulan nila Krisha ang laro pero kahit isa sa kanila ay hindi umaayaw sa bawat tanong at dare na binibigay sa kanila. Maswerte lamang si Krisha dahil ang mga napupunta sa kanya ay puro mga tanong at karamihan sa mga iyon ay madadali lamang at kaya niyang sagutin agad.

Meron silang dalawang choices na pagpipilian, easy or difficult. At dahil puro sa easy sila bumubunot ay siguradong malapit ng maubos ang tanong o dare na laman niyon. At hindi nga siya nagkamali dahil ng bumunot dito si Nathan ay wala na iyong laman.

“Crap! Ako pa ang Buena mano sa difficult.” sabi nito habang bumubunot sa box na pinaglalagyan ng mga tanong at dare. Tahimik nitong binasa ang nakasulat sa papel habang naghihintay silang tatlo na sabihin nito ang laman niyon.

“Pwede’ng magpalit?” tanong nito kay Amanda.

“Nah, kung ano ang nabunot mo yan ang kapalaran mo.” Sabay belat kay Nathan.

“Bakit may gantong dare kang nilagay?”

Gusto na sana ni Krisha tanungin si Nathan kung ano iyon at ayaw nitong gawin dahil ang tingin niya dito ay handang gawin ang anumang dare. Pero gustuhin man niyang tanungin ay nagbabago ang isip niya dahil halata sa mukha nito ang iritasyon sa nabunot na papel.

“C’mon pinsan, alam kong alam mo na hindi ako ang gumawa ng dare na yan. Don’t blame it on me lets just play the game fairly.” Paliwanag dito ni Amanda.

Kahit mahina ay narinig ni Krisha si Nathan ng magbitaw ito ng hindi magandang salita. Alam niyang hindi nito ugali ang magsalita ng ganoon kaya sigurado siyang hindi talaga nito nagustuhan ang nabunot nito.  Maya-maya ay tumayo ito upang basahin ang nakasulat sa maliit na papel na hawak nito.

“Go to the person on your right side and write his/her initial using ketchup on his/her neck then lick it.” Kitang-kita ang disgusto sa mukha ni Nathan ng mapatingin ito kay Seb na nakapwesto sa kanan niya sabay iling. “Hindi ko kaya to, insan”

“Just try ‘san.” Pilit dito ni Amanda.

“What!?” gulat na tanong nito. “I already gave up, I should drink alcohol.”

“Subukan mo muna bago ka uminom.”

“I bet ayaw din ni Sebastian.” Tumingon ito sa huli na parang sinasabing ‘Bro, um-oo ka’ pero nagkibit-balikat lamang si Seb sabay sabing.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon