MABILIS lumipas ang panahon, at sa sobrang bilis noon ay halos makalimutan na niya si Sebastian. Hindi na niya nakita pa ito sa unibersidad, basta niya na lang nabalitan na nag-drop daw ito at walang nakakaalam kahit si James kung saan ito lumipat. Hindi na din nila ito ma-contact. Nang puntahan nila ni James ang bahay nito ay nalaman nila na lumipat na pala ng bahay ang mga ito.
Nitong mga nakaraang araw naman ay napapansin niya na parang balisa si James at may gustong sabihin sa kanya pero lagi namang hindi natutuloy. Ayaw niya naman magtanong dahil baka hindi naman tungkol sa kanya ang iniisip nito. Ayaw niya din naman manghimasok dito.
"Congratulations Krisha!" bati sa akin nila Marco at Patricia.
Graduation day pero hindi pa rin nagpapakita si Sebastian, mukhang tuluyan na siyang nakalimutan nito.
"Thank you. Congratulations din sa inyo." Niyakap niya si Patricia pagkatapos ay si Marco naman.
"Saan ka magse-celebrate? Gusto mo bang sumama sa amin ni Marco?" tanong sa kanya ni Patricia.
"Hindi na Pat, may simpleng dinner kami ng parents ko sa restaurant ni boss Jim." Sabi niya.
"Ang swerte mo talaga friend, ang babait ng mga boss mo. Nga pala, congratulation din sa work mo, akalain mo yun kakagraduate pa lang natin pero nakakuha ka kaagad ng trabaho?" Masayang sabi ni Patricia.
"Nagkataon lang yun, kung hindi naging busy si Nathan sa business ng parents niya baka hindi ako makuhang manager ng shop."
"Pat lets go, tinatawag na tayo" putol ni Marco sa kanilang usapan.
"Okay, so Krisha, see you when I see you?" tumango siya at niyakap nila ang isa't-isa.
Hindi niya alam kung kailan sila muli magkikita ng mga kaibigan dahil may kanya-kanya ng balak gawin ang dalawa.
Si Patricia ay pupunta ng New York para doon kumuha ng Masteral nito samantalang si Marco naman ay magiging busy para pamahalaan ang business ng mga magulang nito.
"Hey beautiful!" lumingon siya sa tumawag sa kanya. Oo "beautiful", ito ang palaging tinatawag sa kanya ni Nathan para maagaw ang pansin niya dahil alam nito na ayaw niya sa endearment nito.
"Congratulations" niyakap siya nito. "Here" inabot nito sa kanya ang isang bouquet ng roses.
"Thanks" sabi niya.
"So kailan pwede mag-start ang manager ng Angel's Patisserie and Café?" alam niyang inaasar siya nito dahil alam nitong ayaw niyang tinatawag siyang manager. Hindi pa siya sanay.
"Nathan -"
"C'mon Krish, you have to be used to it. Saka dapat sanay ka na, hindi ba't may restaurant na kayo before?" anito.
"Correction please, its my parents restaurant not mine but don't worry I will try my best to get used to it." Nakangiting sabi niya kay Nathan.
"That's my girl. So, sa'n ang celebration?"
"Simpleng dinner lang with my parents sa restaurant ni boss Jim" aniya.
"I see, next time na lang siguro kita yayayain mag-dinner as my gift" sabi nito.
"Sure" sagot niya.
"Krish, sana sa dinner natin malaman ko na ang sagot mo"
Halos dalawang buwan ng nanliligaw sa kanya si Nathan at hindi lingid sa binata na may hindi siya natapos na relasyon kay Sebastian, na kakilala rin naman nito.
Sa loob ng ilang buwan na hindi nagpakita at nagparamdaman sa kanya si Seb ay napagdesisyonan niyang mag-move on na. Sinabi ni Nathan na handa itong tulungan siya at wala itong pakialam kahit matawag daw ang relasyon nila na rebound lang. Pero ayaw naman niya na maging ganoon ang papel ni Nathan sa kanya, kaya naman kahit matagal ay gusto niyang hintayin ang panahon kung saan tuluyan ng mahuhulog ang loob niya sa binata.

BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomansaThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...