"ELAINE," tawag sa kanya ni Sebastian sa labas ng pinto.
Ngayong gabi na ang gala at magkahalo ang nararamdaman niya. Excited at the same time tense.
"Konti na lang, Seb." sigaw niya dito.
Kanina bago niya gamitin ang comfort room ay pinauna niya na itong maligo. Mas gusto niyang sa loob na lang siya mag-ayos kaysa naman nakikita niya si Seb na hinihintay siya.
Ilang beses na siyang tinawag ni Seb, medyo matagal na kasi siya sa loob ng banyo. Siguro akala nito kung napano na siya sa loob. Kinuha niya ang cellphone saka tinignan kung ilang minuto na lang meron siya para tapusin ang pag-aayos niya.
"Oh gulay! Five minutes na lang."
Nagmamadaling pinasadahan niya ng final touch ang kanyang make-up. Sinuot niya ang silver stiletto na binigay sa kanya ni Patricia. Nang makatayo ay marahan niyang hinila pataas ng konti ang suot na gown. Tube kasi at medyo hindi pa siya sanay. Si Patricia kasi ang pumili nun, kesyo bagay daw ito sa kanya at wag na siyang mag-reklamo.
Dinampot niya ang black clutch bag niya at nilagay doon ang face powder at lipstick na pang retouch niya mamaya at ang kanyang cellphone, para may contact sila ni Seb sakaling magkahiwalay sila nito. Who knows.
Pagkalabas ng banyo ay nakita niya itong nakatayo sa may harap ng bintana. Nakatanaw ito sa labas kung saan kita ang Hyde Park.
"Seb, let's go?" tawag niya dito.
Lumingon ito sa kanya pero bahagyang napaatras ito ng makita siya.
Hindi ko inaasahan na ganyan ang reaksyon niya. Is that a good thing or a bad one? Hindi kaya lagpas ang lipstick ko? Napatingin siya sa kanyang reflection sa bintana.
"You look great." He said in a hushed tone. She looked at him.
Ang gown na binili nila ni Patricia ay tube cut style. Ang top part nito ay kulay itim, may mga silver sequins sa stomach part, kulay baby pink naman ang balloon skirt nito.
Good side pala. Napangiti siya sa pagpuri nito. "Thanks. Ikaw din naman. You look good."
Sebastian was wearing a midnight blue with black shawl tuxedo jacket. It was made of superior wool and cashmere with satin lapel. Without any doubt Seb looks more handsome than before. He looked so manly yet gentleman. If she doesn't want to look stupid infront of him she might be drooling right now.
He came to her and offered his hand. "Shall we, Miss?" He asked in a british tone.
I smiled and nodded. "My pleasure."
ISANG oras na ang lumipas mula ng mag-umpisa ang gala. Tapos na rin magsalita ang ilang sikat na mga CEO ng kilalang pastry sa iba't-ibang bansa.
Nakaupo sila ngayon ni Seb kasama ang iba pang imbitado ng association. May nakilala sila from Korea, sina Han In Young and Park Dae Ho. Tulad ng Angel's Patisserie and Café, hindi pa rin ganon katibay ang foudation ng shop ng mga ito na Haven's Taste sa korea, pero dahil mga sikat na korean artist ang nagpo-promote ng mga pastries nila ay mabilis iyong nag-boom sa bansa ng mga ito.
May nakausap din sila na matagal na ang foundation sa pastry industry at ilang beses na rin nakadalo sa taunang gathering ng association, ito ay mga taga Thailand, France and Chile na kasama din nila sa table.
"I was like, hey! there's nothing wrong with this pastry dude!" sabi ni Aurélie, ang kasama nila sa table from france.
Nagkwe-kwento ito tungkol sa mga first experiences niya as a pastry chef. Napalingon siya sa kamay ni Seb ng mapansin niya na nakalahad iyon sa kanyang gilid.

BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
Roman d'amourThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...