LAHAT ng lugar na pwedeng puntahan ni Elaine sa loob ng hotel ay hinanap niya na, pero wala doon ang dalaga. Nag-aalala na siya dito. Wala itong masyadong alam na mga lugar dito sa London at baka kung mapaano pa siya.
Muli siyang bumalik sa kanilang kwarto. Sa pangalawang pagkakataon ay nilibot niyang muli ang loob nu'n. Pero wala talaga.
Hinalimukos niya ang kanyang mukha sa sobrang pag-aalala. Asan na siya? Kasalanan niya ang lahat. Kung hindi niya ngayon pinagtapat kay Elaine ang pagsisinungaling niya di sana ay kasama niya pa rin ito ngayon. Pero g@g0 siya e. Hindi niya kayang pigilan ang sarili. Habang tumatagal ang pagsisinungaling niya, mas lumalalim ang nararamdaman niya sa dalaga. At mas nahihirapan siya lalo na tuwing makikita na may kasama itong ibang lalaki.
Umupo siya sa kama at pabagsak na nahiga roon. Kung kailan handa na siya simulan ang dating meron sila ay ngayon naman nagkagulo. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon ni Elaine na makapagpaliwanag. Ang gusto niya lang naman ay maging masaya ang dalaga. Pero bakit ganito?
Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang muling alalahanin lung bakit naging ganto smg lahat. . .
DIRETSONG pumasok si Amanda sa loob ng kanyang kwarto, sumunod siya dito. Nagitla siya ng pagkasara niya ng pinto ay nakahinto ito sa gitna ng kwarto at nakaharap sa kanya. Seryoso ang mukha nito.
"Amanda, may problema ba?" nag-aalala niyang tanong sa dalaga.
Bumuntong-hininga ito bago nagsalita. "Narinig ko ang mom mo," tumango siya, indikasyon na pwede nitong ituloy ang sasabihin. "Balak niyang siraan si Krisha sayo. Ang sabi niya gagawin niya daw ang lahat para mapaghiwalay kayo, kung kinakailangan kausapin niya ang mga magulang ni Krisha gagawin niya daw. I know it is cliché but I know your mom meant it." Tumango siya.
Alam niyang kayang gawin iyon ng mommy niya. Bago pa maging sila ni Amanda ay may nagustuhan siyang isang babae pero ng malaman iyon ng mommy niya ay pina-background check niya kaagad iyon. Mayaman ang pamilya ng dalaga gayunpaman hindi iyon nakapasa sa mommy niya. Bukod 'ata kay Amanda e wala nang ibang babae ang pumasa sa kanya.
Matagal silang nanatili sa loob ng kwarto ni Seb. Nag-iisip sila ng paraan kung anong dapat nilang gawin para maiwasan ang balak nitong gawin. Ayaw niyang masaktan si Elaine, mas lalong ayaw niyang madamay pa ang mga magulang nito. Mahirap na ang pinagdadaanan nito ngayon at ayaw niyang dahil lang sa kanya e mas mahirapan pa lalo ang dalaga.
Wala silang maisip na paraan kaya naman bumalik na lamang sila sa mga ito. Siya na lamang ang mag-iisip ng paraan. Lahat gagawin niya 'wag lang masaktan ang babaeng mahal niya dahil lang sa pagmamahal sa kanya ng kanyang ina.
+++++++++++++++++++++
ILANG araw na ang nakalipas ng umalis ng bansa si Elaine papuntang Thailand, hindi niya man lang naihatid ito sa airport dahil biglaan ang pag-alis nito at ng buong taekwondo team.
Nakahiga siya sa kanyang kama ng biglang pumasok sa loob ng kwarto niya si Amanda.
"Amanda?" napabangon siya bigla. "May kailangan ka?"
"May plano ka na?" Bungad nito. Umiling siya. "I heard nagpa-plano ang mommy mo ng arrange marriage sayo. How cliché." She grumbled.
"What?! Sa'n mo nalaman 'yan? Anong ba'ng iniisip ni mommy? Para namang 'pag ginawa niya 'yun mapaghihiwalay niya kami ni Elaine." Tumayo siya at naglakad pabalik-balik sa loob ng kanyang kwarto.
"Your mom is determined. Nag-hired siya ng tao para mapaghiwalay kayo." Napahinto siya ng marinig ang sinabi ni Amanda.
"What do you mean? She wants to kill Elaine?" He asked with a frowned.
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomantizmThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...