NOON hindi ako naniniwala sa mga taong nagsasabi na nararamdaman nilang humihinto ang oras. Pero sa mga pagkakataon na ito, iyon mismo ang nararanasan ko.
I am now sitting in Sebastian's lap; both my legs are beside in his. I swear I can literally hear my hearts beating and I think it was a bad sign. I'm afraid that he might hear how loud its thumping is. I try to concentrate with my task; and it was to do the body shot with him.
We never been this intimate before and just thinking on what I'm about to do makes my body feels on fire. Then I realize that the heat is not coming from mine, but from his. I look directly into his eyes when the realization hit me.
I don't know if it was my imagination or what but I saw desire in his eyes for a moment but he turned away. I snapped from what I'm thinking when I heard somebody shouts behind us.
"Tumahimik ka nga dyan!" sabi ni Amanda kay Nathan. Napansin ko na mahigpit ang pagkaka-hawak nito sa mga kamay ni Nathan.
"I said, let me go!" mahina pero mariing sabi ni Nathan kay Amanda. Matagal nagtitigan ang dalawa hanggang sa bitawan niya ito.
"Let's go." Hinawakan siya nito sa kanyang pala-pulsuhan upang itayo sa pagkakaupo niya kay Seb. Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman niya ng pigilan siya ni Sebastian.
"The dare is not yet over." saad nito.
"It's over." Ani ni Nathan.
"Alright!" sigaw ni Amanda sabay hawak sa braso ni Seb. Marahil naramdaman nito ang init na namamagitan sa pagitan ng dalawa.
"Nathan's right, Seb. I think we should stop this dare, right Krisha?"
"O-oo" nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdaman ako ng panghihinayang.
"Come" tuluyan na akong hinila ni Nathan papasok sa resort, papalayo sa taong alam kong magiging laman ng isip ko buong gabi.
ILANG oras na akong pabaling-baling sa kama dahil hindi ako makatulog. Maraming mga tanong na pumapasok sa isip ko na walang katumbas na mga sagot. At alam ko na isang tao lamang ang makakasagot ng mga iyon. Pero ang tao na iyon ay nasa kama ng ibang babae.
Mahimbing na natutulog si Nathan sa baba ng kama ko kung saan mas pinili niyang matulog. Nagpasya akong lumabas ng kwarto at pumunta sa lugar kung saan kami naglaro ng truth or dare.
Tahimik lamang akong nakatingin sa malayo habang binbaliktanaw ko ang nangyari kanina. Ang panghihinayang na naramamdaman ko. Ang pagnanasa at lungkot na nakita ko sa mga mata ni Seb. Ang tanong na noon ko pa gustong sabihin sa kanya. Bakit niya ko nakalimutan? Anong nangyari nung mga panahon na wala siya? Bakit si Amanda ang kasama niya at hindi ako? Mahal niya pa ba ko? Meron pa bang "kami"?
"Krisha"
Dali-dali kong pinahid ang aking mga luha. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"What are you doing here?" tahimik ko lamang siyang pinagmasdan hanggang sa makaupo siya sa akong tabi. "What are you doing here?" ulit nito.
"Nagpapahangin lang ako," nakayukong sagot ko, hindi ko kayang tingnan siya sa kanyang mga mata. Nahihiya ako sa mga inasal ko kanina.
"I'm sorry. Hindi ko dapat ginawa yung inasal ko kanina. Alam kong..."
"Hindi mo kailangan mag-sorry," putol ko sa sinasabi niya. "ako dapat ang humihingi ng paumanhin sayo. Ako ang may maling inasal kanina hindi ikaw. Kahit na isang dare lamang yun, mali pa rin ako, hindi ko inisip ang mararamdaman mo, Nathan."
"Krish-" hinawakan ko siya sa kanyang mga kamay. Mas nasasaktan ako sa ginagawa niya para sa akin. Humihingi siya ng tawad sa akin kahit na alam kong wala siyang ginawang kasalanan. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya at yun ang mas nagpapasikat sa akin. Ang makitang nasasaktan siya dahil sa akin. Dahil sa pagiging makasarili ko.
"Sh*t," mahinang sabi nito, nakita kong humihigpit ang pagkakahawak niya sa dulo ng damit nito. "Let's stop this."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya kahit na alam ko kung anong sasabihin niya. Ayoko man aminin pero gusto ko na sa kanya marinig iyon. Dahil ayoko siyang saktan. Ayokong saktan ang taong tumulong sa akin nung mga panahon na wala sa tabi ko si Seb.
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong hanggang ngayon gusto mo pa rin si Seb. Hindi, mahal mo pa rin si Seb." natatawa pero may lungkot na sabi nito. "Mahal kita Krisha at alam ko kahit paano gusto mo rin ako. Pero hindi sapat yun para mapalitan ko siya. I want to set you free, I want you to be happy. At kung ang magpapasaya sayo ay si Seb handa akong ibigay yun sayo. Dahil mas nasasaktan ako na kasama kita pero siya ang nasa isip mo."
Umiiyak siya, at ayokong makita siyang nasasaktan. Ayoko!
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya upang iharap siya sa akin at tingnan siya sa kanyang mga mata. Pinahid ko ang luha sa kanyang mga pisngi.
"Nathan, gusto kita, gustong-gusto kita. Kahit kailan hindi ko ginusto na saktan ka. Sorry, sorry, sorry." niyakap ko siya. Sorry, yan lang ang kaya kong sabihin sa kanya dahil alam kong kahit anong sabihin ko hindi ko na matatanggal ang sakit na nararamdaman niya.
Naramdaman ko ng gantihan niya ang aking yakap. Pero saglit lamang iyon at inilayo niya din ako agad sa tabi niya. Hinawakan niya ako sa aking baba gamit ang isang kamay niya. Hinalikan niya ako, mabilis at saglit lamang iyon pero naramdaman ko ang nais niyang iparating.
"Goodbye kiss?" Tanong ko.
He smirk, the usual smirk he always gave to me whenerver I say the roght thing.
"Goodbye kiss." Kinurot nito ng mahina ang aking pisngi. "Ayokong ang pag-iyak ko ang maalala mo. Now give me the favor, just remember this last kiss or should I say my lask peck?" Nakangiting tanong nito.
Bakit naging madali sa akin na magustuhan si Nathan? Simple. Kayang-kaya niya akong pangitiin. Kaya niyang tanggalin ang mga pagaalinlangan at lungkot na naramdaman ko. Nakakapanghinayang man na hindi ko siya kayang mahalin, gusto ko na sa lalong madaling panahon makita niya na ang babaeng talagang magmamahal sa kanya.
"Oo" nakangiti ko din sagot sabay yakap sa kanya. "I love you, Nathan."
"I know you love me as a friend. At sapat na sa akin yun." Bulong nito.
PUMASOK na si Nathan sa loob pagkatapos nitong magsawang pilitan akong matulog na. Pumayag lang itong iwan ako mag-isa ng sabihin kong susunod din ako agad.
"Hay!" Buntong-hininga ko sabay unat sa aking mga kamay at paa. Tumayo ako at naglakad na pabalik sa resort.
Madilim sa loob ng sala at kahit anong ingay ay wala akong marinig. Tunog lamang ng tuko sa labas ng bahay, pagaspas ng puno at agos ng dagat lamang ang maririnig.
Paakyat na ako sa taas ng mapansin kong may nakaupo sa may terrace. Sigurado ako na si Nathan ay nasa loob na ng kwarto kaya isang lalaki na lamang ang kilala niyang may may-ari ng bulto na iyon. Tahimik na nilapitan ko siya dahil ayokong biglain siya at baka mahulog ito sa pagkakaupo nito sa railings. Pero napansin niya na biglang naging stiff ang pagkakaupo nito, marahil ay naramdaman ni Seb na papalapit ako.
"Elaine."
Ngayon, sigurado na ko na totoo nga. Dahil sa pangalawang pagkakataon, naramdaman kong huminto ang oras ng tawagin niya ang pangalan ko.
"Seb."
+++++++++++++++++
Please accept my apologies!!!!
Alam ko, alam ko. Almost a year akong di nag-update. Mag-thank you po tayo sa makulit na babaeng namilit sakin mag-update.
P.S
Apology for this heartbreaking/sad chapter. Minsan na nga lang mag-update malungkot pa ang chapter 😐😐😐
P.S.S
From on hold I wll change this to Slow Update.
Vote
Like
Share
Mwuaks!!! ❤️❤️
P.S.S.S
Papalitan ko ang title ng book na.. Parang nawawalan kasi ako ng dating sa title :D ..from "My Star" to Elaine: The Falling Star ...

BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomantizmThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...