NAGLAKAD siya papunta sa direksyon kung sa'n nakatayo si Sebastian. Hindi man lang ito nagalaw sa kinatatayuan nito. Habang papalapit dito ay nakatitig siya sa mga mata nito. Nang makalapit ay hindi niya ito hinintuan bagkus ay dumiretso lamang siya sa paglalakad. Nagpunta siya sa may kalsada at naghintay ng dadaan na cab. Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang paglapit nito sa kanya, tumayo ito sa kanyang tabi.
"We need to talk Elaine." mahinang sabi ni Seb.
"We will. But not here." aniya. Bahagya siyang nagulat ng maramdaman na hawakan siya nito sa kanyang braso.
"Kailan mo balak? Kapag nakauwi na tayo ng Pilipinas?" malungkot nitong tanong.
Umiling siya at nginitian ito. Napansin niyang nagulat ito sa ginawa niya. "Lilipat lang tayo ng lugar. Gumawa na kami ng eksena ni Nathan d'yan kanina, nakakahiya kung d'yan din tayo gagawa ng eksena natin."
Nagsalubong ang kilay nito. "Nathan?"
"'Yung kausap ko kanina. His name is Nathan. What a conincidence, right?" He nodded.
"Then, where are you going?"
"Where are 'we' going Seb?" balik niyang tanong sa binata.
Matagal naging blangko ang itsura nito. Parang hindi nito naintindihan ang sinabi niya. Bahagyang lumaki ang mata nito ng ma-gets ang sinabi niya.
"We." tumatango-tangong sabi nito. "Okay, we." Napakamot ito sa batok.
"Yes. We." ulit niya.
NILIBOT niya ang paningin sa loob ng restaurant kung saan siya dinala ni Sebastian. Hindi nga siya nagkamali, mamahalin ang restaurant na ito.
"Seb," mahinang tawag niya dito. Nakaupo ito sa harap niya. "Gusto mo lumipat tayo ng lugar?"
She can see the crease forming on his forehead. "Why?"
She forced a smile. "Parang mahal kasi ang mga pagkain dito."
He nodded and smiled at her. "This is my treat Elaine. I should've done this before."
"Oh, okay." Speechless siya. Magsisimula na ba silang mag-usap para magkalinawan? Nagitla siya ng biglang lumapit ang isang staff sa kanila.
"Would you like to take your order Sir, Madam?" tanong nito sa kanila.
"Anong gusto mo?" tanong ni Seb sa kanya.
Tinignan niya ang hawak na menu para pumili ng makakain niya.
"Hmmm...I'll get Milk-Fed Veal Chop." Sabi niya sa staff na nakatayo malapit sa kanya. Sinulat nito ang order niya bago humarap kay Seb.
"Two Red Mediterranean Tuna Belly, One Crispy Veal Sweetbread and Two Raspberry Cocktail and Hibiscus Jelly. That would be all." Matapos nitong isulat lahat ng sinabi ni Seb ay umalis na ito.
"Bakit um-order ka pa mg starters and desserts? Baka mapamahal ka pa." aniya.
"It's okay. Para mas matagal tayong magkasama." He smiled.
Oh. How she missed those smile. It felt like decades since they've been together. It felt like decades before she felt again how peaceful it was to be by his side. It felt like decades that she's been in love with this man.
Now, she's ready to count another decades to be with this man; to be with the person she loved. She will take this chance to fall in love over and over again with him. She's ready to left all of her inhibitions in Trocadora and start anew with Sebastian.
Hindi na siya nagalangan pa na hawakan ang kamay nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nagulat ito sa ginawa niya pero hindi nagtagal ay naramdaman niyang hawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay.

BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...