Chapter Eighteen

46 3 0
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. Pagkabalik nila ng Maynila ay bumalik din silang lahat sa kanya-kanyang trabaho. Dumalang na din ang pagbisita ni Nathan sa shop. Ilang araw niya na din itong hindi nakikita. Oo, inaamin niya, na nami-miss niya ito, hindi naman imposible yun dahil noon ay halos araw-araw siya nitong bisitahin.

She was out of her reverie when she heard someone knock on the door. "Come in."

"Ms. Krisha, may naghahanap po sayo sa labas." Sinabi niyang paupuin na muna iyon at dalhan nila ng pagkain. Susunod na lamang siya.

Napatigil siya sa pagtayo ng mag-ring ang phone sa tabi niya.

Dali-dali niya iyong dinampot ng mabasa ang pangalan ni Nathan sa caller ID. "Hello?" Masayang bati niya dito.

"Hi there beautiful." Mas lalo siyang napangiti ng marinig na kahit may nagbago na sa relasyon nila ay hindi ito tumigil sa pagtawag sa endearment nito sa kanya.

"Yeah. How are you?" Muli siyang umupo sa kanyang swivel chair.

"I'm great. Sorry I wasn't able to visit you." Malungkot ito sa kabilang linya.

"Hey, it's okay. What's wrong?" Nag-aalala niyang tanong dito.

"It's a long story," anito. Ramdam niya na wala itong balak sabihin kung anuman ang problema nito kaya hindi niya na muna ito pipilitin magsabi. Sa ngayon. "By the way I called because I have something to tell you."

"What?" Nakaramdam siya ng kaba ng maging seryoso ang tono ng boses nito.

"I'm so sorry Krish, I can't do anything about it but believe me I tried."

"What is it?" Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Bakit ba nagpapatumpik-tumpik pa ito? Ayaw pa nitong sabihin ng diretso.

"Sebastian is there, right?" tanong nito. Naalala niya bigla ang sinabi ng staff niya kanina na may bisita siya sa labas. So si Seb pala iyon.

"I think siya yung nasa labas. Bakit siya nandito?" buntong-hininga lang ang natanggap niyang sagot dito. "I think there's something wrong with you" aniya.

Naninibago na siya sa kinikilos nito sa kabilang linya. Pakiramdam niya may sasabihin itong hindi maganda.

"You have to go to London for a week." Yun lang? Ito lang pala ang sasabihin niya. Bakit parang hirap na hirap pa itong sabihin yun?

"Now I know, mami-miss mo ko kaya ka ganyan noh?" I said just to tease him. Silence, no answer.

Inilayo niya ang cellphone sa tenga upang tignan kung binabaan na siya nito. Pero naandar pa rin ang time doon.

"Hello Nathan? Still there?"

"With Seb."

"Huh?" Hindi niya magets. Ang labo naman ata ng sagot ni Nathan sa sinabi niya.

"You and Seb. London."

Parang may beep line na tumunog sa utak niya ng mag-sink in sa kanya ang sinabi nito.

"PAKI-ULIT nga ang sinabi mo?" she asked him grumpily. Hindi na naiwasan pa ni Krisha pagtarayan si Sebastian.

Hindi na siya nakapagpa-alam kanina ng maayos kay Nathan sa cellphone. Pakiramdam niya biglang nag-blangko ang paningin niya sa sinabi nito.

Kung kailan naman tinanggap niya na sa sarili na iiwasan niya na si Seb ngayon pa magkakaganito. Pano niya magagawa yun kung isang linggo sila magsasama nito. Sa London pa, foreign country. Without anyone else but the two of them. Hindi ba parang ang saklap nun?

"As i said, for the fifth time." binigyang diin nito ang salitang "fifth time". As if naman maaapektuhan siya dun.

Kahit kasi ilang beses nitong paulit-ulit sabihin ang dahilan ng pagpunta nila ng London ay parang ayaw talaga mag-process ng utak niya. Nire-reject niyon lahat ng sabihin nito.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon