ILANG araw walang pasok si Krisha sa Angel's Patisserie and Café dahil kinailangan ni Amanda na umalis ng bansa pansamantala. Kahapon ay kababalik lamang nito galing London kaya naman on-duty na siyang muli sa trabaho.
"Ilang araw ka din nawalan ng part-time ano?" tanong nito. Nasa shop ito ngayon para isalansan ang ilang kagamitan na binili nito mula London.
"Meron pa naman po akong isang part-time, nabawasan nga lang ang kita ko," nakangiting sagot niya.
"Cut with the "po", Krisha. Alam mo naman na ilang taon lang ang tanda ko sa iyo."
Tumawa siya. "Boss pa rin naman kita kahit paano."
"It's okay. Pinapayagan kita na hindi ako galangin basta alagaan mo ang shop ko." Natatawang sabi nito.
"Sure," pagpayag.
Sabay nilang binati ang pumasok na customer. Pagkakuha niya sa order nito ay pumasok siya sa stock room. Pabalik na siya ng counter ng marinig niya ang isang pamilyar na tinig.
"Sa iyo pala ang shop na ito, small world huh?" sabi ni Sebastian kay Amanda.
Mukhang matagal nang magkakilala ang dalawa dahil sa paraan ng pag-uusap ng mga ito. At ang lalaki kung makangiti ay nakalimutan kaagad na sa shop na iyon siya nagtatrabaho. Maingay na naglakad siya upang malaman ng mga ito na paparating na siya.
"Hi Elaine. How's your day?" masiglang bati nito.
"Okay na sana kung hindi ka lang dumating," naaasar siya sa binata dahil sa pigiging magiliw nito kay Amanda. Hindi niya tuloy mapigilan ang nararamdaman niyang selos.
Nakita niya ang pagtataka nito, marahil nagulat ito ng tarayan niya ito. Maayos kasi ang naging paghihiwalay nila noong nakaraang gabi.
"Mukhang wala ka sa mood."
Nakonsensiya naman siya sa inasal niya. "Sorry Seb, nagugutom lang siguro ako kaya mainit ang ulo ko."
"Mabuti pa Elaine mag-break ka muna para makakain ka," suhestiyon nito.
"Wait, magkakilala kayo?" parehas silang tiningnan ni Amanda. "At bakit ba Elaine ang tawag mo kay Krisha?"
"Krisha Elaine Sandoval ang buo kong pangalan, Amanda" sagot niya.
Naiintindihan niya kung bakit hindi nito alam ang buong pangalan niya. Hindi na kasi siya nito pinagpasa ng resume ng tanggapin siya nito dahil may tiwala naman daw ito sa kanya.
"I see," tatango-tango ito.
"God Amanda, tumatanggap ka ng trabahador ng hindi mo man lang alam ang buong pangalan nila?" tanong dito ni Sebastian.
Kung makapag-react ito parang kahina-hinala siyang tao. Para namang hindi siya nito kilala.
"I don't need to. Lahat ng staff na tinatanggap ko dito ay pinagkakatiwalaan ko, Seb."
"Hindi ako masamang tao," singit niya. Lumingon si Sebastian sa kanya.
"That's not what I mean, Elaine. Alam mong hindi lang ikaw ang staff dito."
Hindi niya ito pinansin. Nakakasama ito ng loob. Pagkatapos nitong sabihin na may gusto ito sa kanya doon sa party ay magsasalita ito ng ganoon. Porket nakakita lang ng maganda ay binalewala na nito ang beauty niya.
Hmmp! Asar!
"Maybe your just really hungry. Kumain ka na muna," hinila siya nito palabas ng counter at pinaupo. "Pwede ba'ng ako muna ang mag-sub sa kanya habang kumakain siya?" tanong nito kay Amanda. Pumayag naman ang huli.
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...