Chapter Twelve

79 3 2
                                    

"SEE you on Sunday?" tanong ni Seb.

"Sure" sagot dito ni Nathan.

Pagkaalis ni Sebastian ay kaagad niyang kinausap si Nathan.

"Anong pumasok sa isip mo at pumayag ka sa sinabi niya?" she asked, annoyed.

He smiled. "C'mon Krisha, have some fun, masyado ka ng stress dito sa office."

"Look who's saying. Sino kaya ang taong naglagay sa akin sa position na ito?" she grumbled.

Hinawakan siya nito sa balikat at marahang itinalikod saka siya itinulak pabalik sa kanyang swivel chair para maupo. Sinimulan nitong hilutin ang kanyang balikat pagka-upo niya para ma-relax siya.

"I didn't mean to stress you. Kaya nga hindi masama kung sasama tayo kila Sebastian para makapag-relax ka naman" malambing na paliwanag nito.

"Palagay mo makakapag-relax ako kapag nakikita ko siya?" tanong niya.

"I'm there, I won't leave you" tumigil ito sa paghihilot at saka iniikot ang kanyang upuan para mapaharap siya kay Nathan.

"Promise?" she asked.

He reached her hand and entwined it with her.

"I promise"

NAALIMPUNGATAN si Krisha ng maramdaman niyang may humawak sa kanyang kamay. At bukod sa magandang panaginip niya ay isang gwapong lalaki naman ang namulatan niya.

"Sleeping beauty" nakangiting sabi nito. "We're here."

Napalingon si Krisha sa labas ng bintana para tingnan kung anong lugar ang kanilang pinuntahan.

Ngayong araw ang outing nila, kung saan sinama siya ni Nathan para daw makapag-relax siya, na sana ay magawa niya.

Alam niyang hindi pa siya nakakamove-on ng bongga pagdating kay Sebastian pero dahil sa pangako niya kay Nathan ay pumayag siyang sumama dito. Naisip niya na maganda na din sigurong paraan ang makasama si Sebastian para masanay na siya na wala na talagang 'sila'.

At base sa nakikita niyang pangalan na nakasulat sa arko ng gate ay pagmamay-ari nila Sebastian ang rest house na tutuluyan nila ngayon.

Pagkababa niya ay nakita niya ang kotse na paparating, ito na marahil ang sasakyan kung saan nakasakay sina Amanda at Sebastian. Gusto sana ni Seb na iisang kotse na lamang ang gamitin nila pero sinabi ni Nathan na mas okay kung dalawang kotse ang gamitin para magkaroon sila ng kanya-kanyang privacy, na pinagpapasalamat niyang pumayag si Seb. Nasa process pa siya ng pagmove-on, kaya ang makasama ito sa iisang sasakyan ay isang parusa.

"Buti alam mo ang lugar na 'to?" tanong niya kay Nathan ng makalapit ito sa kanya. Inabot nito ang kanyang mga gamit pero bago pa man nito makuha iyon ay pinigilan niya ito.

"I've been here once," sagot nito. "Come on, give it to me." Pilit nito habang patuloy pa rin sa paghila ng bag sa kanyang kamay.

"Wag na, kaya ko naman ito. Ang dami mo na ngang dala kukunin mo pa to." Sabi niya.

Literal na maraming dala si Nathan. Bukod sa dala ni Krisha na hand carry bag ay may dala pa itong isa pang maleta. At bukod sa gamit niya ay may isang malaking bag din itong dala, tent - na hindi niya alam kung bakit ito may dala at isang basket ng mga pagkain na binili nila kanina bago bumiyahe para meron silang stock.

"Sige na, wag ng makulit, bitaw na." nakangiting pilit nito.

"Ayaw" sabi niya.

"Bitaw."

"Ayaw."

"Bitaw."

"Ayaw nga."

"Ah ganon," bigla nitong binitawan ang hawak na basket at saka siya pilit kiniliti sa kanyang tagiliran. Alam nitong malakas ang kiliti niya doon kaya siya nito doon pinupuntirya.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon