DAHAN-DAHAN bumaba ng hagdan si Krisha, hindi niya kasi gustong buksan ang mga ilaw dahil baka magising pa sila Nathan. Nang makapa niya ang refrigerator ay binuksan niya iyon at saka kumuha ng tubig.
“Whaa!” sigaw niya ng biglang may sumulpot na mukha sa kanyang harap pagkasara niya ng pintuan ng ref., pero tinakpan kaagad ng kung sinuman ang kanyang bibig.
“Sssshhhh, stop.” Tumigil siya sa pagsigaw ng makilala niya ang may-ari ng boses. Maya-maya din ay tinanggal na nito ang pagkakatakip sa kanyang bibig.
“Bakit bigla-bigla ka kasing nasulpot?” Mahinang tanong ko.
“Para ka kasing magnanakaw na dahan-dahang nababa kanina.” Sabi nito.
“Nakita mo ko?” Tumango naman ito at saka itinuro ang sofa.
“Diyan ka natutulog?” tanong ko muli.
“Yes, so next time, walk naturally.”
“Bakit diyan ka natutulog Seb?” bumuka ang bibig nito para magsalita pero hindi nito itinuloy. Pero maya-maya din ay nagsalita ito.
“Talaga bang magkakilala na tayo noon?” tanong nito.
Pero siya naman ngayon ang hindi nakapagsalita dahil sa sinabi nito. Naguguluhan siya, totoo ba ang kanyang narinig? Hindi ba siya talaga naaalala ni Seb o nagpapanggap lamang ito?
Matatanggap niya pa na hiniwalayan siya nito pero naaalala pa rin ang kanilang pinagsamahan, pero ang kalimutan ang kung anong meron sila noon? Ang sama naman niya.
“Totoo bang –“ napatigil ako sa pagsasalita ng biglang lumiwanag ang paligid.
“Krish?” napalingon ako sa may hagdan at nakita kong pababa doon si Nathan. “Bakit gising ka pa?” tanong nito sa akin at saka tumingin kay Sebastian.
Itinaas ko ang mineral water na hawak ko at sinabing. “Bumaba lang ako para kumuha ng tubig.” Tumango ito at saglit na tiningnan si Seb na naglalakad na pabalik sa sofa, hindi niya namalayan na umaalis na pala ito sa kanyang tabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/4438989-288-k276493.jpg)
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...