HINDI makalimutan ni Krisha ang namagitan sa kanila ni Sebastian kanina sa canteen. Maging ang mga kaibigan niya ay nanibago sa ikinikilos niya. Hindi kasi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi kahit na anong asar pa ang gawin ng mga ito sa kanya.
Palabas na siya ng unibersidad ng marinig niyang may tumawag sa pangalan niya.
"Krisha!" Hinanap niya kung nasaan ang pinanggalingan ng tinig.
Nakita niya si James na kumakaway sa kabilang bahagi ng kalsada. Nakasandal ito sa sasakyan nito. Tumawid siya upang lapitan ito.
"O, James bakit ang aga mo 'atang umuwi ngayon?" tanong niya dito.
Sa pagkakaalam niya kasi ay late na kung umuwi ito dahil sa mga ginagawa nito sa student council.
"Kailangan ko kasing umuwi ng maaga kaya iniwan ko muna ang trabaho sa student council. Family gathering," pilyo ang pagkakangiti nito.
"I see." Tumatangong sabi niya.
"Pauwi ka na ba? Kung gusto mo sumabay ka na sa akin?" tanong nito.
"Hindi na, may trabaho pa kasi ako. At saka baka out of way."
"Trabaho? Ah!" pumitik pa ito. "Hindi ka nga lang pala sa café nagtatrabaho."
"Oo kaya hindi ako pwedeng sumabay."
"Ganoon ba? Sige kung ayaw mo talaga. Wait here." Binuksan nito ang kotse at pumasok sa loob niyon, hindi nagtagal ay lumabas din ito. May iniabot ito sa kanya na invitation. Kaparehas ng binigay sa kanya ni Sebastian.
"Here. Gusto sana kitang imbitahan sa costume party ng student council."
Hindi niya tinanggap ang hawak nito. Kinuha niya ang invitation na binigay sa kanya ni Sebastian sa bag. Ikinumpas niya iyon sa harap nito.
"Meron na ako." Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito.
"Binigay ni Sebastian sa akin kanina nang magkita kami sa canteen," paliwanag niya.
"Hmmm," pilyong ngiti nito. "Ang bilis talaga ng isang iyon."
"Huh?"
"Don't mind me. Paano, mauna na ko, Krisha."
"Wait," tawag niya dito. "Paano nga pala iyong plano natin?" tanong niya.
Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan ang plano nila dahil parehas silang busy sa kanya-kanyang gawain.
Humarap ito sa kanya.
"Palagay ko hindi na natin kailangan ituloy ang plano, Krisha."
"Bakit? Okay na kayo ng babaeng mahal mo?"
"Hindi pa. At mukhang hindi na magiging okay pa dahil umalis na siya," nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.
Nilapitan niya ito at marahang hinagod ang likod nito upang payapain ang nararamdaman nito.
"Malalagpasan mo 'yan, James. Kahit na gaano katagal mo pa siyang hindi makita o kahit na wala kang komunikasyon sa kanya. Kung talagang mahal mo siya hindi titigil sa pagtibok ang puso mo para sa kanya."
Matamang tinitigan siya nito bago muling nanumbalik ang ngiti sa mga labi nito.
"Thanks, Krisha." Saglit siyang niyakap nito. "Sige mauna na ako." Tuluyan na itong sumakay sa kotse nito at pinaandar iyon.
Napalingon ako sa unibersidad saka tuluyan ng umalis.
PAPALABAS na ng unibersidad si Sebastian. Nakiusap si James sa kanya na siya muna ang umasikaso sa student council ngunit kinailangan niyang umalis dahil sa mga babae na nagpuntahan roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/4438989-288-k276493.jpg)
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...