PASALAMPAK na nakaupo si Krisha sa ilalim ng puno habang nagpapahinga. Katatapos lamang ng practice nila ng taekwondo. Nitong mga nakalipas na araw ay puspusan ang ginagawa nilang paghahanda dahil sa nalalapit na tournament sa Thailand. Target ng kanilang unibersidad na makuha ang gintong medalya na naagaw sa kanila noong nakaraang taon. Trainee pa lamang siya sa taekwondo noong panahon na iyon kaya hindi siya pinayagan na makasali sa patimpalak. Kaya naman ngayon ay malayo pa lang ay inihahanda na nila ang kanilang sarili.
Mag-isa lamang siyang nakatambay dahil parehas may lakad sina Patricia at Marco. Simula kasi ng magkaroon ng karelasyon ang dalawa ay bihira na lamang niya makasama ang mga ito, mabuti na lamang at busy din siya sa kanyang mga sideline.
"'Mind if I join you?" napatingin si Krisha sa pinanggalingan ng boses. Si Sebastian.
Kahit hindi pa siya pumapayag ay umupo na ito sa kanyang tabi.
"Sa dinami-dami naman ng pwedeng maki-join ay ikaw pa? Pwede naman si James," si James ay ang president ng student council na napag-alaman niyang kaibigan ng binata. Hindi niya close iyon pero hindi niya alam kung bakit ayun ang lumabas sa kanyang bibig.
Wala siyang gusto kay James ngunit sa mga tsismis na naririnig niya ay di hamak na mas mabait ito kaysa kay Sebastian.
"Hindi ka no'n type," panonopla nito sa kanya.
Kung nakakabali lang ng leeg ang biglang lingon ay malamang nabili na ang sa kanya dahil sa lakas ng pagbaling niya rito.
"Paki-ulit nga ang sinabi mo?' naaasar na sita niya.
"Hin.di.ka.no'n.type," pagbibigay diin nito sa mga salita.
Tumayo siya sa harap nito at saka tinulak-tulak niya ng hintuturo ang noo nito.
"Hoy mister, at sinong nagsabi sa'yo na hindi ako magugustuhan ni James?" lumayo siya dito at saka muling humarap sa binata. "Sa ganda kong 'to?" sabay turo sa kanyang sarili.
Ikinembot niya ng kaonti ang kanyang balakang. "Sa pamatay kong katawan? Sino siya para tanggihan ako?"
Kung kanina ay seryoso ang mukha nito habang pinakikinggan ang litanya niya ngayon ay hindi ito matigil sa katatawa.
Syete! Pinagtatawanan ako.
Ang pinaka-ayaw pa naman niya sa lahat ay ang tinatawanan siya. Pakiramdam niya kasi ay kulang-kulang siya kapag ganoon. Dinampot niya ang dahon na nasa paanan niya at saka ito isinubo sa bibig ni Seb.
Humagalpak siya ng tawa ng makita na nagkandaubo ito dahil sa ginawa niya. Kulang na lang ay isuka nito ang mga dahon sa bibig nito.
Tumayo ito at galit na humarap sa kanya.
"Why did you do that?" sabi nito sa nanlilisik na mga mata.
Hindi siya natakot dito dahil alam niyang hindi siya gagawan nito ng masama. Kahit balita sa unibersidad ang ugali nito never pa naman itong nagkaroon ng record sa pakikipag-away. Isa pa, nasa taekwondo team siya kaya isang maling kilos lang nito ay wala itong panama sa kanya.
"Karma's a b!tçh, men!." Rapper style na sagot niya.
"Sa tingin mo nakakatuwa ang ginawa mo?"
"Bakit sa tingin mo nakakatuwa din na pinagtatawanan mo ko?"
Matagal silang nagtitigan. At sa sobrang tagal, noon niya lang napansin kung bakit ito hinahabol-habol ng mga babae.
Medyo mapanga ito, deep set ang mga mata na bumagay sa pagkamaarko na kilay nito, broad nose at ang labi naman nito ay napaka-kissable. Naputol ang ginagawa niyang pagtingin sa mukha nito ng bigla itong pumitik sa harap ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Elaine: The Falling Star
RomanceThey say that memories is the greatest weapon of all people next to love. But what will you do if both of this weapon was taken to you? They say that promises are worse than lies. But what if he lied just to keep his promises? This is why relation...