Chapter Twenty

37 3 0
                                    

NAG-INAT si Krisha pagkalabas nila ng eroplano sa London, Heathrow Airport. Yung inat na walang poise. Wala siyang pakialam kung nakikita man siya ngayon ni Seb o ng mga tao dito sa London. Nakakapagod kayang maupo sa loob ng eroplano for almost 16 hours. Bukod sa panonood ng movie ay wala na siyang ibang magawa. Si Seb naman halos matulog sa buong byahe. Which is okay sa kanya dahil hindi niya na kailangan problemahin ang malakas na tibok ng puso niya for the whole flight.

"So, saan tayo?" tanong niya kay Seb ng makalapit ito sa kanya.

"I think there's someone from the association who'll pick us up." he said while looking around the airport.

"Asus, nasa London lang kami maka-english wagas." She whispered.

"I can hear you." He said without looking at her. Hindi niya na lang pinansin ang sinabi ni Seb.

Pinagmasdan niya ang bagong environment sa kanyang harap. At ang unang-una niyang napansin ay ang liwanag at ang lawak ng airport. Sandamakmak na ilaw ang nakikita niya sa taas. In fairness, ang ganda ng surroundings. Kahit na madami ang tao sa loob hindi naman siya mukhang crowded kasi malawak ang lugar. Napahinto siya sa pagmasid ng makita ang surname niya at ni Seb na nakasulat sa isang placard na hawak ng isang gwapong-gwapong british man.

Kinalabit niya si Seb na patuloy sa paghahanap. "Hey Seb, ayun oh. I think tayo ang hinahanap nun. Miss Sandoval and Mr. Del Rosario." She read what was written in the board.

"Yeah. Let's go." Nagitla siya ng bigla siya nitong hawakan sa kamay bago itinulak nito ang pushcart na pinaglalagyan ng mga luggage nila.

OMG! Hindi pwede 'to, hindi pwede 'to. napahawak siya sa kanyang dibdib. Kahit na ayaw pumayag ng isip niya hindi niya kayang bitawan ang kamay ni Seb. Now lang heart, please? Makisama ka naman.

Ang tangkad. Yan naman ang first impression niya sa british na kaharap nila ngayon. Hindi man lang siya umabot sa balikat nito. Take note, naka 3 inches heels na siya ng lagay na yan. Si Sebastian abot naman hanggang sa tenga nito.

"Hi, I'm Sebastian del Rosario and this is Krisha Elaine Sandoval." He offer his hand for a handshake. She did the same with the british man. "We are the representatives from Angel's Patisserie and Café, Philippines."

"Oh it's nice meeting you Mr. Del Rosario and Miss Sandoval." The man said with a british accent.

Wow! First time ko nakarinig ng live na british na nagsasalita. Nakaka-in-love pala talaga ang accent nila.

Hindi niya maalis ang pagkakatitig sa lalaki. Para siyang nagka-crush at first sight. Napalingon siya kay Seb ng pisilin nito ang kanyang kamay. Hindi pa pala nito nabibitawan ang kanyang kamay. Hindi niya napansin, mukhang parehas sila nag-enjoy na hawakan ang kamay ng isa't isa.

Pero hindi naman ito nakatingin sa kanya. Nakaharap ito kay Scott, yung pangalan ng british na kasama nila. Nagpakilala ito kanina sa kanila ni Seb.

"Please this way, Sir, Madam." Scott said and walked in front of them. They follow him and found a gleaming limousine outside the airport.

"Shining and glimmering limousine." She muttered. Tinignan siya ni Sebastian, siguro narinig ang sinabi niya.

Kinuha ni Scott ang mga luggage nila saka iyon inilagay sa trunk ng sasakyan. Si Seb na ang umalalay sa kanya papasok ng kotse.

"Such a gentleman," she said teasing him. He shrugged and went inside after her.

Napaka tahimik naman ng lalaking ito. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa iyon o hindi. Pinipilit ko na nga maging komportable kasama siya. Siya naman itong hindi makisama. haist!

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon