Chapter Sixteen

62 2 0
                                    

WALANG nangyari sa pagkikita nila ni Seb sa terrace dahil pumasok din agad ito sa loob. Hindi niya alam kung anong problema nilang dalawa. Hanggang ngayon puro tanong pa rin ang meron siya para dito.

Bumalik siyang muli sa labas at nagtungo sa tent kung saan sila naglaro ng Truth or Dare. Pumasok siya sa loob at saka sinara iyon at nahiga doon.

Hindi niya na napigilan ang kanina pang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata. Patuloy ito sa pagdaloy sa kanyang pisngi. Kahit anong pigil niya ay ayaw niyon tumigil kaya naman hindi na din siya nagpigil at hinayang ibuhos lahat ng sama ng loob niya sa mga oras na iyon. Ngayong wala sa tabi niya si Nathan pwede niyang ilabas lahat ng luha na hindi niya kayang ipakita rito.

Masakit man sa dibdib niya na tanggapin ang nangyayari sa kanila ni Sebastian ay gagawin niya. Nakikita niyang masaya ito ngayon sa piling ni Amanda at mas nababagay ito sa dalaga dahil parehas ang antas ng mga ito.

Kaya ipinangako niya sa sarili na pagsikat ng bagong umaga ay bagong Krisha Elaine Sandoval na rin ang makikita nila. Kahit masakit para sa kanya, pipilitin niyang mag-move on para kay Seb. Para sa gusto nitong mangyari sa kanila.

PAGGISING ni Nathan ay wala sa kama si Krisha. Agad itong lumabas ng kwarto at hinanap ito sa buong bahay, pero wala. Pinuntahan niya ang kwarto nila Seb at Amanda para tignan kung doon ito nagpunta. Dala ng pag-aalala ay hindi niya na naisipan pang kumatok.

Sabay napalingon ang dalawa sa kanya pagkabukas niya ng pinto. Parehas itong nakaupo sa kama at marahil ay nag-uusap. Nilibot niya ang paningin sa loob para hanapin si Krisha pero wala rin ito doon.

"Nathan what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Amanda.

"I'm looking for Krisha, pagkagising ko kasi ay wala na siya sa kwarto. Wala din siya dito sa loob ng bahay. Wala naman akong nakita kahit anong note from her." dire-diretso niyang sabi.

"Just calm down, okay?" saad ni Amanda habang bumaba sa kama. Lumapit ito sa kanya.

"No!" napalakas niyang sagot "hindi ako pwede kumalma na hindi ko alam kung nasan si Krisha."

"Nakita ko siya kanina after the game sa terrace. Pero nauna na kong pumasok so I thought natulog na din siya." ani Seb sa kanya.

"Hindi mo man lang chineck kung pumasok na siya sa loob?" naiinis niyang tanong dito.

"Why should I?" may bahid ding inis na sagot nito.

Lalapitan niya sana ito pero pinigilan siya ni Amanda.

"Stop it! Kaysa makipagsagutan ka dyan. Mabuti pang hanapin na lang natin si Amanda." Inikot siya nito paharap sa pintuan at saka itinulak palabas ng pinto. "Magpapalit lang ako ng damit. Wait us downstair."

Kahit naasar pa rin siya sa inasal ni Seb kanina ay naisip niya na mas mabuti pa ngang hanapin niya na lang si Krisha kaysa intindihin kung ano ba ang problema ng isang iyon.

Pagdating niya sa sala ay napansin niyang may usok pa na nanggagaling sa bonfire na ginamit nila kagabi. Pinatay nila iyon bago pumasok kaya nakapagtataka naman na may usok pa iyon hanggang ngayon. Naglakad siya papunta roon.

Nang mapansin niya ang tsinelas na suot ni Krisha sa tapat ng isang tent ay nilapitan niya iyon. Pagbukas niya ay bumungad sa kanya ang himbing na himbing na si Krisha. Parang biglang lumuwag ang kanyang dibdib ng malaman na ayos lamang ito.

Nilapitan niya ito at marahang tinapik para gisingin.

"Krish, beautiful." Muli niya itong tinapik ng mahina. "Hey, wake up sleeping beauty." Napangiti siya ng marinig itong umingit.

"Krisha, wake up. Pinag-alala mo ko." Humiga siya sa tabi nito at saka pinagmasdan ang himbing nitong itsura.

"Hhhmmmm" tinakpan nito ang bibig bago nagsalita "Sorry, lagi na lang kita pinag-aalala." Saka ito nagmulat ng mata.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon