Chapter Twenty Three

41 3 0
                                    

MALUMANAY na lumabas si Krisha sa hotel room nila ni Seb. Ayaw niyang magising ang binata dahil ayaw niya munang makita ito sa ngayon.

Nu'ng isang araw tininggan niya ang mga papers na iniabot sa kanya ni Nathan bago siya umalis. Ang laman pala nu'n ay train ticket papuntang Paris at hotel accommodation niya for three days. Wala sana siyang balak puntahan iyon dahil kasama niya si Seb pero ngayon nagkaroon siya ng dahilan para gamitin iyon.

Bago lumabas ng hotel ay nagtanong siya sa isang staff kung paano pumunta sa train station. Tinulungan siya nitong kumuha ng cab at ito na ang nagsabi sa driver kung saan siya bababa. Bago umalis ay nagpasalamat siya sa binata at nagbigay ng tip dito.

Pagkapasok sa loob ng train ay umupo siya malapit sa may bintana pero wala pa'ng isang minuto ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Si Sebastian ang tumatawag. Mukhang nalaman na nito na umalis siya.

"Where are you?" bungad agad nito pagkasagot niya sa kanyang cellphone. Hindi siya umimik. "Sabi ng staff dito sa hotel ay nag-check out ka daw at nagtanong ng way papuntang train station."

Hindi niya ito muling sinagot. Marinig lang ang boses nito ay bumibilis na agad ang tibok ng kanyang puso. Nami-miss niya si Seb kaya lang hindi siya makapaniwala na nagawa nitong lokohin siya. Siguro mababaw ang dahilan ng pagtatampo niya dito pero para sa kanya big deal 'yun. Nagmukha siyang t@ng@ kakaisip kung bakit siya nakalimutan nito. Sinubukan niyang magmahal ng iba sa pagaakalang hindi na siya mahal nito. Tapos bigla na lang itong magsasabi na naaalala siya nito. Na mahal pa rin siya nito? Kaya ba nitong nakalipas na araw ay iba na ang pakikitungo nito sa kanya? Dahil gusto na nitong aminin ang panlolokong ginawa nito? Pero pa'no si Amanda? May relasyon sila di ba?

Hindi siya nag-iinarte pero gusto niya lang na maramdaman nito na hindi nakakatuwa ang ginawa nito. Isa pa, gusto niya din muna mapag-isa. Mag-isip tungkol sa kanilang dalawa. Mag-isip kung ano ba'ng dapat niyang gawin sa lokohang relasyon nila. Parehas silang nagkagusto sa ibang tao ng magkahiwalay ang kanilang landas. Gusto niya muna na kahit saglit lang ay makapag-isip. Mahal niya pa rin si Sebastian, hindi naman nagbago 'yun.

"Elaine! Please, where are you?" nagmamakaawang sabi nito. Parang may kirot siyang naramdaman sa kanyang puso ng marinig ang boses nito. Bakit ganu'n? Ang lakas ng tama niya sa herodes na 'to. Pinagmukha na siyang t@ng@'t lahat pero hindi niya pa rin ito matiis. Huminga siya ng malalim. Hindi maaari. Ngayon lang, titiisin niya muna si Seb.

"I can't. Bye Sebastian." yun lang at binabaan niya na ito.

Kaysa mag-isip tungkol sa mga nangyari nagpasya siyang matulog na lang muna. Hindi din naman siya nakatulog ng maayos sa hotel kakaisip na nasa malapit lang si Sebastian kaya marapat lang na magpahinga siya sa byahe.

Pagkadating sa hotel kung san siya may accommodation ay pabagsak siyang nahiga sa kama. Sa loob ng halos tatlong oras na byahe sa train ay natulog lamang siya pero pakiramdam niya ay sobrang pagod niya. Marahil dala iyon ng sobrang pag-iisip niya, hanggang panaginip kasi ay kasama niya si Seb.

Nilabas niya ang mapa na binili niya kanina malapit sa train station. Three days siya sa Paris at kaysa pag-iisip tungkol kay Seb ang gawin niya nagdesisyon siya na magliwaliw na lang muna. Makakatulong din siguro yun para makapag-decide siya tungkol sa kanila ni Sebastian.

KINABUKASAN pagkatapos niya kumain ng breakfast ay umalis siya sa hotel para puntahan ang ilan sa mga kilala na tourist spot sa Paris. Gusto niya na sana agad puntahan ang Eiffel Tower pero may nakapagsabi sa kanya noon na mas maganda daw iyon tingnan kapag gabi kaya naman iyon na lamang ang huli niyang pupuntahan sa kanyang itinerary.

Medyo kinakabahan siya dahil first time niya sa Paris tapos mag-isa lang siya. But at the same time natutuwa siya dahil kahit papano may oras siyang maglinay tungkol sa kanyang lovelife.

Elaine: The Falling StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon