2

401 7 2
  • Dedicated kay Jerome Gamil Macasiab
                                    

March 30, 2014

Makalipas ang apat na taon...

Nasa isang malaking bahay ang makakaibigang Kristoffer, Ian, Dexter, Rufino, Charlie, Jay-m, Kenneth, Aljon, Jerome, Jason At Ogie.

Nang makatanggap sila ng sulat na nakalagay sa kulay itim na sobre.

Di na sila nagdalawang isip at agad itong binasa.

Dear former classmates!

Kumusta? sana naaalala niyo pa ako. Classmate niyo ko nung HS. Gusto ko sana kayong iinvite sa Resort namin, this coming weekend. I hope na free kayo.

Pagtapos nilang basahin ay may nakita sila sa likod ng sobre na 11 na airplane tickets.

Bigla silang nagtaka at nacurious. Walang pangalan ang sulat na pinadala sakanila.

At laking taka nila kung paano nalaman na 11 sila. Malabo kasing magulang kasi saktong sakto sa mismong bilang nila. Napaisip sila bigla at nagkatinginan.

Gumuhit ang isang ngiti sa mga mukha nilang lahat.

"Ano punta tayo?"

Sabi ni Dexter habang nakangiti parin.

"Sige para malaman din natin kung sino ang nagpadala nang sulat na'to."

Sabi ni Jason sabay tayo at kuha ng tubig.

"Pass muna siguro ako dyan mga papi. Alam niyo na baka hindi ako payagan ni Alison eh!"

Sabi ni Rufino habang itinuon ang pansin sa cellphone niya at tinitignan ang lockscreen niya na magkayakap sila ng bago niyang kasintahan.

Matapos kase ang insidente ay nagkahiwalay na sila ni Melanie, Lumipat na kase ito ng school at naglaho ng parang bula.

Kaya ng maka recover si Rufino sa break up nila ay narealize niyang nasa tabi niya palagi ang bestfriend na si Alison.

Lumalim ang pagtitinginan nilang dalawa at nabuo ang pagmamahalan.

"Psh under ka ba pre? tsaka problema ba yun eh di huwag kang magpaalam."

Sabat ni Jerome at umakbay siya sa kaibigang si Rufino.

Nagkibit balikat si Rufino.

"Bahala na."

Sabi niya sabay buntong hininga.

"Basta ako g ako!"

Sabi ni Kristoffer habang nakataas pa ang isang kamay.

"Kami rin!"

Sabay sabay na sabi nang iba pa.

Napailing nalang si Rufino.

"Paano ba yan Ruf, lahat kami sasama papaiwan ka ba?"

Panunuksong sabi ni Charlie sa kaibigan.

Ngumiti si Rufino at napabuntong hininga.

"May magagawa pa ba ko? Sige g na din ako!"

"Yun!!!"

Sabay sabay na sabi ng magbabarkada at nagtawanan.

Habang nagkakasayahan sila ay biglang nagring yung cellphone ni Jay-m.

"Hello?"

"Hello, Jay-m! Kumusta?"

Magiliw na pagbati ni Cathlyn sa dating kaibigan at kaklaseng si Jay-m.

Si Cathlyn ay dati rin nilang kaklase at kaibigan. Isa din ito sa mean girls ng class nila kasamahan niya dito sina Shayne, Daniella, Kate at si Melanie. Pero simula ng umalis si Melanie at lumipat ng bagong school ay natanggal na din siya dahil sa di na siya nagparamdam.

"Okay lang naman, ikaw? Imean kayo kumusta na?"

Sagot naman ni Jay-m.

"Okay lang din kame dito, teka nga sino ba talaga kinukumusta ako o si Kate?"

Pabirong sabi ni Cathlyn sa dating kaibigan.

Matagal na kaseng may lihim na pagtingin si Jay-m kay Kate. Napangiti bigla si Jay-m at naalala si Kate. Napailing siya bigla.

"Hindi no, sige baba ko na to ha, may importante pa kase kaming gagawin eh."

Pagdadahilan nito para di na siya asarin pa ni Cathlyn.

"Busy pala kayo, sige may lakad pala kami...bye!"

At tuluyan ng natapos ang paguusap ng dalawa.

March 31, 2014

Laking gulat nilang lahat nang makarating sila sa Isla kung saan naroon yung Resort na pupuntahan nila. Malawak at sobrang liblib nito dahil sa mga puno na nakapaligid sa lugar na ito. Masyado din itong malayo sa Urban.

Agad nilang nakita ang resort at nagunahan pa silang makapasok dito. Pag pasok nila ay nagtaka sila dahil walang masyadong mga tao kundi mga staff lang mismo nung resort.

"Welcome to Deifirret Resort, Sir!"

Pagbati sa kanila ng isang babaeng staff.

"Dito ba talaga yun?"

Pabulong na tanong ni Ian kay Jason. Habang pumapasok sila sa loob ng resort.

"Ewan ko din pre, pero mukhang ito lang naman yung resort dito eh."

Sagot sa kanya ni Jason na manghang mangha parin sa sobrang laki ng buong lobby ng resort.

"Tayo lang ata tao dito eh."

Sabat naman na sabi ni Aljon habang pinagmamasdan ang kabuuan ng resort.

Kakaiba ito sa mga resort na napuntahan nila di lang dahil sa layo nito pati narin kase walang masyadong tao dahil narin sa sobrang layo at tago nito. Pero sobrang ganda nito di mo aakalain na may ganitong lugar sa loob ng kagubatan.

"Ang ganda dito pare! Sarap mag unwind!"

Sabi ni Dexter sabay palo sa batok ni Charlie.

"Maganda nga wala naman tao."

Sagot ni Charlie.

"Edi ano yun?"

Sabi ni Ogie habang ngumunguso sa dalawang babae na nakatalikod.

"Tara puntahan natin tanong natin."

Sabi ni Kristoffer sa kanila habang nakaturo dun sa direksyon nung dalawang babaeng nakatalikod.

Napailing nalang si Kenneth.

"Bakit di tayo sa staff mag tanong? Hay kayo talaga."

Sabi niya habang sinusundan yung mga kaibigan niya.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon