3

370 10 0
  • Dedicated kay Ed Joshua
                                    



"Ahm..miss pwedeng magtanong?"

Sabi ni Aljon habang kinakalabit yung isa sa dalawang babaeng nakatalikod .

Lumingon naman yung babae at halos lahat sila ay nagulat ng makita nila ang babae.

Si Lyra.

Ang kaklase nila na lumipat din ng school matapos ang pangyayare. Ibang iba na ito sa nakilala nilang Lyra dati. Pumayat na ito at lalong pumuti at gumanda.

"L-lyra?!?"

Sabay sabay na sabi ng mga ito sakanya habang nakaturo.

"Kayo?"

Lumaki naman bigla ang singkit na mata ni Lyra sa nakita niya. Ito kase ang mga dati niyang kaklase at laking gulat niya ng makita ang mga ito. Agad niya itong pinagyayakap sobra kase ang pagkamiss niya sa mga ito.

"Ikaw ba ang nagbigay nito?"

Ipinakita ni Dexter, yung sulat na natanggap nila.

Napailing lang si Lyra at binuksan niya ang bag niya at inilabas ang sobreng kulay itim na natanggap niya rin kahapon sa apartment nila ni Micha.

"Ibig sabihin..."

Magsasalita palang sana si Jason ng biglang humarap yung isa pang babae na nakatalikod kanina.

"Uy, Lyra nalagay ko ba sa bag mo yung ano ko..."

Napatahimik si Micha ng biglang mapansin niya yung grupo ng mga lalake na kausap ni Lyra.

"Micha!?!"

Sabay sabay ulit na sabi nung mga lalake nang makakita muli sila ng dating kaklase.

Si Micha.

Isa ito sa top student ng kanilang school pati narin ang bestfriend niyang si Lyra. Kasama siya ni Lyra nung lumipat ito ng school. Simula din kase nun ay di na sila nagparamdam sa mga ito kaya masaya sila na makita ulit ang mga ito.

"Omg! kayo ba talaga yan?"

Masayang tanong ni Micha.

"Oo kami 'to!"

Sabay sabay ulit na sabi nung mga lalake. Pinagyayakap niya ang mga ito.

"Grabe di namin inaasahan na dito pa namin kayo makikita ha."

Sabi ni Kenneth habang nakangiti parin sa dalawa.

"Kami nga din eh, grabe lang talaga yung tadhana."

Sagot naman ni Lyra.

"Lalo kayong gumanda ha!"

Pabiro na sabi ni Charlie.

"Kayo wala parin pinagbago ha magkakasama parin."

Sabi naman ni Micha.

"Oonga eh stay strong kayo ah, parang kami lang neto ni bff."

Sabi naman ni Lyra habang nakangiti.

"Oongae, ganun talaga kami kami na nga lang eh simula nung nawala kayo medyo nagkawatak watak na eh."

Malungkot na sabi ni Jason. Napatahimik bigla si Micha at Lyra sa sinabi ni Jason.

"Pero atleast diba nagkita kita ulit tayo...anyway sino kaya nagpadala ng sulat na'to satin?"

Pagiiba ni Jerome ng topic ng maramdaman ang pag tahimik nung dalawa.

"Ewan din namin eh, di naman nagpakilala sa sulat eh."

Sagot naman ni Micha. Habang naguusap sila ay biglang lumapit ang isang babae na nakauniporme.

"Hello ma'am & sir! kayo po ba yung mga nakatanggap ng invitation in our resort?"

Magalang na sabi ng babae na nakauniporme. Sabay sabay naman na tumango sila.

"Follow me po!"

Sabi nito ulit habang nakangiti, agad naman na sumunod sila dun sa babaeng nakauniporme.

"Parang may kamukha siya."

Sabi ni Aljon bigla siyang napatigil sa paglakad habang iniisip parin kung sino ang kamukha ng babaeng nakauniporme. Napailing nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

Habang naglalakad sila paalis ng lobby ay biglang nagring ang cellphone ni Rufino.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon