10.2

336 8 6
                                    

Joyce's POV

Nagulat ako ng biglang may tumakip sa bunganga ko. Halos manghina ako sa takot dahil ipinasok ako sa madilim na parte ng resort.

"Sino ka?"

Sabi ko na medyo nabubulol. Hindi ko magawang magsalita ng maayos dahil sa kamay na nakatakip sa bibig ko. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko ng mahawakan ko ang ulo niya. Naramdaman ko na may suot siyang maskara.

Lalo akong kinabahan at nagsimula na akong magpumiglas para makawala sa pagkakahawak sakin ng taong ito.

Biglang pumasok sa isip ko  ang taong nakasuot ng maskara na nasa video kanina kung saan pinatay niya ang dati naming classmate na si Ken.

Bigla nalang bumuhos ang mga luha ko dahil sa takot habang patuloy parin ako sa pagpupumiglas.

Micha's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng Resort at nagiikot ikot. Pagtapos ko kasing kausapin si Sylan ay bigla niya akong iniwan dito. Ito pala ang likod ng Theater room. Magubat at sobrang dilim.

Habang naglalakad ako ay may nakaagaw ng pansin sakin ang bukas na pinto na nasa likuran ng Resort.

Pumasok ako at halos mapasigaw naman ako ng bigla akong madulas.

"Aray."

Sabi ko habang nakahawak sa may bewang ko. Bigla akong nakaramdam ng parang basa ng mahawakan ko ang tubig na dumadaloy sa isa pang pinto inamoy ko ang tubig at wala itong amoy.

Tumayo na ako at ipinahid ang tubig na nahawakan ko sa damit ko. Lumakad ako ng ilang hakbang at binuksan ang pinto kung saan may tubig na tumatagas. Pagpasok ko ng kwarto ay napakadilim at wala akong maaninag na kahit ano kaya agad kongn hinanap ang switch ng ilaw at pagbukas ko ng ilaw ay halos manlaki ang dalawang mata ko at masuka suka ako sa nakita ko.

Nakahandusay kase ngayon sa harap ko yung lalake na nasa entrance area ng resort. Duguan ito at sobrang wak-wak ang tiyan halos maligo na ito sa sarili niyang dugo.

Labas ang kaniyang mga laman loob at dilat ang mga mata niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng takot sa nakita ko.

Ibig sabihin ay totoong patay na si Ken?

Napaluha ako at hindi alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako palabas ng kwartong yun at nagmamadaling pumasok ng Resort.

Pagpasok ko ng resort ay nakita ko na nagkakagulo silang lahat sa tapat nang mini cafeteria ng resort. Paglapit ko sakanila ay napatingin silang lahat sa akin.

Bumungad naman sakin ang pugo't na ulo ni Joyce at duguan niyang katawan. Napahawak ang dalawa kong kamay sa mukha ko.

"G...guys...dun din sa may likod..."

Hindi pa ko tapos sa sasabihin ko ng biglang lumapit sa akin si Eroll at umambang susuntukin sana ako ng biglang lumapit sa kanya si Jason at Ogie.

"Huwag pre, babae yan."

Sabi ni Jason kay Eroll bigla namang lumapit sakin si Lyra at sinampal ako. Halos mabingi at tumabingi ang ulo ko sa lakas ng sampal niya.

"T...teka p..para saan yan?"

Tanong ko kay Lyra bigla akong naluha sa ginawa ng bestfriend ko.

Hindi ko kase alam kung bat nagkakaganyan sila at bakit ako sasampalin ng sarili kong bestfriend.

Umiyak lang si Lyra.

"Huwag ka na ngang mag maang maangan pa dyan Micha!"

Sabi ni Lyra habang patuloy pa rin ang pag iyak lumapit sakanya si Ian at inakbayan siya sa likod at pinunasan ang mga luha ni Lyra.

Teka bakit siya ang umiiyak siya ba ang nasampal?

Siya ba ang muntikan ng masuntok?

At higit sa lahat siya ba ang nakakita ng patay na katawan ?

Biglang nanghina ang mga tuhod ko napaluhod ako bigla.

"Ha? ano bang sinasabi niyo? ano bang nangyayare sa inyo?"

Tanong ko sa kanila habang pinipigilan ko pa ang mga luha sa mata ko.

"Bakit mo nagawa kay Joyce 'to? bakit siya pa ba't hindi nalang ako."

Galit na galit na sabi sakin ni Eroll habang umiiyak.

Bigla akong napatigil sa mga binitawang salita ni Eroll.

"Wait what? So sa tingin niyo ako ang gumawa nito kay Joyce?"

Sabi ko habang tuluyan ng tumutulo ang mga luha ko.

"Oo, dahil wala naman iba halatang halata naman sa suot mo oh tignan mo!"

Sabi ni Ian, napatingin ako sa suot ko at laking gulat ko ng may makita akong dugo dugo pati narin ang mga kamay ko'y meron.

Halos mabaliw ako sa pangyayare dahil kaya nila ginagawa to sakin ay dahil pinagbibintangan nila ako?

Pinagbibintangan nila ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?

Tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Mali kayo ng iniisip...hindi ko kayang gawin yan."

Tuluyan nakong umiyak ng umiyak at sumalampak sa sahig habang nakatingin sakin ang mga mata nilang mapanghusga.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon