11

240 7 1
                                    

Merry's POV

Matapos mahimasmasan ng dati kong classmate na si Alison ay naglakad na kami, sabi niya kase ay pupunta daw kami sa resort kung saan daw siya galing at sakto naman kase sa resort na rin yun ako pupunta may nagbigay kase sakin ng sobreng itim eh.

Habang naglalakad ay tanaw ko na ang  resort, napaka laki kase neto kaya agad mo itong makikita at tanging ang resort lang na yun ang nakatayo sa islang ito.

Andrew's POV

Laking gulat at takot naming lahat ng makita namin si Joyce na pugo't ang ulo at duguan ang mukha.

Kasabay nun ang gumulantang samin lahat ng makita namin si Micha na duguan ang mga kamay pati narin ang suot niya.

Ibig sabihin lang nun ay nagawa niyang patayin si Joyce pero bakit?

Anong nagawa sakanya ni Joyce para gawin niya ang ganung kabrutal na bagay?

"Hindi ako ang pumatay sakanya, wala akong ginagawang masama."

Pagmamakaawa ni Micha habang umiiyak at itinatali siya ng mga lalaki.

Gustuhin ko mang tulungan at maniwala sa kanya ay napaka labo para gawin yun kase siya lang ang pwede naming paghinalaan ng ganun kase kitang kita na namin ang ebidensya na magpapatunay na nagawa niya ang bagay na yun.

"A...anong nangyayare dito?"

Bigla kaming nalingon agad dun sa babaeng nagsalita.

Si Alison pala kasama ang dati din naming classmate na si Merry.

"Girl!"

Nilapitan siya agad ng Kaibigan niyang si Dianne.

Alam kong magkaibigan sila dahil simula pa nung 4th year kami ay magkaibigan na ang dalawang yan. Kahit ngayong college na kami ay ganun pa rin sila .

Kwinento namin sa dalawa ang nangyari . nagulat sila at hindi makapaniwala na magagawa yun ni Micha.

Kahit naman ako hindi rin na niniwala pero kase may ebidensya.

Lumapit si Alison kay Micha.

"Totoo ba? totoo ba yung sinasabi nila?"

Tanong sakanya ni Alison, umiling lang ito at patuloy siya sa pag iyak.

"Wala akong ginawang masama sakaniya...hindi ko kayang gawin yun!"

Sabi niya habang nagpupumiglas sa pagkakatali sa kanya.

"P...pero bakit ganyan ang hitsura mo? bakit ang dami mong dugo?"

Tanong ni Alison kay Micha. Magsasalita pa sana si Micha nang biglang sumabat si Eroll na galit na galit parin.

"Kase wala siyang awa! Nagawa niyang patayin si Joyce ng ganun kabrutal. Wala siyang kwenta! Dapat sa kanya pinapatay din!"

Sabi ni Eroll na punong puno na ng galit.

Naiintindihan ko si Eroll kung bakit ganyan nalang ang galit niya. Magkasintahan kase sila ni Joyce at magpapakasal na nga sana sila...kaso lang nangyare pa ang kalunos lunos na bagay na ito kay Joyce.

"Hindi nga ako ang pumatay kay Joyce!ano ba ba't hindi ba kayo maniwala sakin?"

Sigaw na sabi ni Micha, habang patuloy parin siyang umiiyak.

"Kase hindi ka kapanipaniwala! Ayan na oh! Nasa harap na namin mismo ang mga ebidensya! Kitang kita na namin, umamin ka na!"

Pasigaw na sabi sakanya ni Lyra.

Ewan ko kung bakit iba ang pakiramdam ko sa dalawang 'to. Matagal na silang magkaibigan pero bakit parang ang laki ng galit ni Lyra sakaniya?

Masyadong mainit kung makapagsalita sa kanya si Lyra.

Mabaet naman 'to samin dati si Lyra pero ewan ko kung bakit nagkakaganyan na siya ngayon. Siguro nga masyado nang matagal kaming hindi nagkikita at siguro madami narin ang nabago sakanilang dalawa.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon