35

14 1 0
                                    

Nawalan ng malay sa kalagitnaan ng madilim na kagubatan si Micha dahil sa natamo niyang saksak ay maraming dugo ang nawala sakaniya.

*

"Ogie, ano ba bitawan mo na nga ako sabi eh!"

Galit na sabi ni Alison sabay hablot ng kaliwang kamay niya na hawak hawak ni Ogie.

"Hayaan mo na si Rufino matagal na natin 'tong tinatago diba? mas nauna naman tayo kesa sa inyo ni Rufino!"

Sigaw na sambit ni Ogie.

"Diba sinabi ko sa'yo na walang ibang mamamagitan sa atin kundi sex lang! pumayag na nga ako na pambayad utang ng mga magulang ko sa utang sa inyo gusto mo pa sirain ang buhay ko?"

Naiiyak na sabi ni Alison.

"Naririnig mo ba yang mga sinasabi mo? matagal nang sira yang buhay mo, pasalamat ka pa nga at pinatulan pa kita kahit hindi ikaw ang gusto ko."

Napalitan bigla ng ngiti ang nagbabadyang mga luha sa mga mata ni Alison.

"See...diba si Shayne ang gusto mo? bakit pumayag ka pa na maging sex slave mo ko? parehas lang natin di gusto ang isa't isa kaya pwede ba tapusin na natin 'to!"

Sabi ni Alison at tuluyan ng lumabas ng kwarto nila ni Ogie.

*

"M...merry?"

Sabi ni Crislyn ng makita niya ito na hawak hawak ang malamig na bangkay ni Maeven.

Tumatawa lang ito habang pinaglalaruan ang buhok ng patay na kaibigan.

"Merry, halika na delikado tayo dito!"

Sabi naman ni Sharmaine habang natatakot na siya sa inaasal ng kaibigan.

Napaurong silang dalawa ng tumingin sakanila si Merry. Nakakatakot ang mga mata nito at nanlilisik parang wala na ito sa tamang katinuan.

"M...merry?"

Kumaripas ito ng takbo palapit sakanila nagmadali namang tumakbo ang dalawa palabas ng Theater room halos madapa na sila habang tumatakbo pero patuloy parin ang pag habol sa kanila ni Merry.

"Tulong!"

"Tulong!"

Sigaw nang dalawa habang patuloy sa pagtakbo hanggang sa makarating na sila sa tapat ng pinto. Agad itong binuksan ni Sharmaine at mabilis siyang nakalabas palabas narin sana ang kaibigan niyang si Crislyn nang biglang hilahin ito sa buhok ni Merry.

Hindi alam ni Sharmaine ang kaniyang gagawin natataranta siya kaya't di na siya nagdalawang isip at tumakbo siya sa malapit na lamesa sa Theater room at kinuha ang flower vase na nakapatong dito. Mabilis siyang tumakbo papasok ng Theater room at nang makakuha ng tyempo at agad niya itong ipinukpok sa ulo ni Merry. Dahilan para mabitawan nito ang pagkakasabunot sa buhok ni Crislyn at ang pagkahimatay nito.

Napayakap si Crislyn kay Sharmaine.

"Salamat...salamat."

Sabi nito habang patuloy ang paghabol sa kaniyang hininga.

Mabilis na silang tumakbo palabas ng Theater room at iniwan si Merry nang walang malay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon