4

331 8 1
  • Dedicated kay Japs Melanie
                                    

Alison's POV

"Girl! dito ba yun?"

Tanong ko sa Bestfriend kong si Dianne habang naglalakad kami sa isla na sobrang magubat at layo sa kabihasnan.

Medyo natatakot na kase ako sa lugar na'to kase parang kami lang ang tao bigla tuloy akong kinabahan.

"Ano ka ba girl! Eto oh may map tayo at tama naman binabaybay natin eh chill lang okay?!"

Sagot sakin ni Dianne. Ito talagang bestfriend ko e sobrang napaka tapang. Halos lahat ata ng tapang na binigay ng panginoon sinalo niya eh. Hay pero sa kabila ng katapangan niya ay may nakaubling sikreto, na tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam.

"Wait lang mga be! Di na talaga keri ng pantog ko anytime sasabog nako sobrang ihing ihi nako!"

Nagulat at nagkatinginan kami ni Dianne nung makarinig kami ng boses ng isang babae.

"Omg!!! may tao girl may tao!!!"

Halos mapatalon naman ako sa sobrang saya ng makarinig kami nang boses ng isang babae.

Agad naman namin sinundan ang boses na narinig namen at laking gulat namin ni Dianne ng makita namin ang mga classmate namin dati na sila Kyra, Joy at Sheila same school pa rin naman kami nagaaral kaso nga lang ang bestfriend ko lang na si Dianne at ang boyfriend ko lang na si Rufino ang naging consistent kong mga kaklase at kaibigan.

"BOP?"

Agad naman silang napatingin samin nung narinig nila ang pagtawag namin. BOP kase ang tawag sakanilang tatlo sa school and related yun sa mga last names nila.

"Alison? Dianne?"

Sabay sabay na sabi naman nila habang bakas sa mukha nila ang pagkagulat ng makita kami.

"Hala! nandito din kayo?!"

Masaya na sabi ni Shiela samin.

"Oo, nakatanggap kase kami ng sulat e!" Sabi ko habang pinapakita sakanila ang itim na sobre na hawak ko. Natanggap namin to kahapon sa may mailbox ng dorm namin.

Biglang nagkatinginan sila sa sinabi ko.

"S-seryoso?!? nakatanggap din kami niyan eh!"

Sabi ni Kyra habang kinakalkal ang bag niya.

"Ito oh!"

Sabi niya habang may hawak na Sobreng itim rin.

Nagkatinginan kaming lahat.

RESORT.

Palubog na ang araw ng na makarating kami sa Resort. Matapos ang paglalakad namin ng sobrang malayo sa loob ng kagubatan ay nakarating na rin kami kasama ang BOP.

Pagpasok namin ay agad na naagaw ng pansin ko ang grupo ng mga lalake na nakikipagtawanan sa dalawang babae. Pero laking gulat ko na ang grupo pala ng mga lalaki na yun ang mga kaibigan ng boyfriend ko kasama ang boyfriend kong si Rufino na patuloy parin sa pakikipagtawanan dun sa dalawang babae.

Imbis na magtaka ako kung bakit siya nandito ay napangunahan ako ng inis at galit sakanya. Agad kong kinuha yung cellphone ko sa bulsa ko.

"Hello babe?"

"Babe mo mukha mo, asan ka ngayon?"

Iritable kong tanong sakaniya.

"Ha...ahhh....ehhh ano kwan babe...ano kasi...ano andito ako kanila Jay-m...Oo kanila Jay-m."

Pagpapalusot niya.

"Sinungaling!"

Sigaw kong sabi habang nakatingin ng masama sakaniya.

Biglang lumaki ang mga mata ni Rufino ng makita ako.

"B...babe?"

Pagtawag niya sakin. Napailing nalang ako at inirapan siya agad naman ako tumakbo palabas ng resort.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon