32

173 7 4
                                    

Dahan-dahang naglakad pagapang si Lyra sa kisame ng resort. Di niya alam kung saan ang daan palabas sa mainit at siksil na kisame. Ang tangi niya lang gusto ay makalabas na sa kisameng iyon.

*Kkkrrriiinnnggg*

Halos malaglag ang puso ni Lyra sa sobrang takot ng magulat siya sa narinig niyang tunog ng Cellphone.

Nakaramdam siya ng pagvibrate sakaniyang bulsa. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang cellphone.

"Shit! Lowbat na!"

Tatayo na sana si Lyra ng bigla siyang mauntog sa kahoy nalimutan niya kasing nasa loob siya ng masikip na kisame.

"Aray ang sakit"

Sabi niya habang hinihimas ang kaniyang ulo.

Habang hinihimas ni Lyra ang kaniyang ulo ay nakarinig siya bigla ng mga yapak na nanggagaling sa itaas ng kisame.

Mabilis niyang pinukpok ang itaas ng kisame para malamang may tao duon. Biglang nawala ang mga yapak. Kaya't idinikit ni lyra ang tenga sa kisame para marinig kung may tao pa duon.

Nagulat nalang siya ng biglang may matalas na patalim ang tumusok sa kanyang tenga.

*

"Tulong!"

"Tulong!"

Sigaw ni Melanie, habang pilit na kumakawala sa pagkakatali niya sa upuan.

Nasa isang malaking kwarto kase siya. Mabaho ang paligid at napaka dilim ng buong kwarto tanging ang isang ilaw lang na patay sindi ang nagsisilbing gabay ni Melanie.

Ilang beses siyang sumigaw ngunit parang pipi siya na kahit isa ay wala man lang nakakarinig.

Nakaramdam siya bigla ng takot ng may gumalaw sa kaniyang likod. Pili't niyang inilingon ang kaniyang ulo para masilip kung anong meron. Laking gulat nalang niya ng makita niya si Lyra na nakaupo rin tulad niya at nakatungo lang.

Ginising niya si Lyra sa pamamagitan ng paguga sakaniyang upuan. Agad namang nagising si Lyra at humarap kay Melanie.

"Papaano ka napunta rito?"

Takang tanong ni Melanie kay Lyra. Pero imbis na makapagsalita si Lyra ay sumuka ito ng dugo.

*

Napaatras si Merry ng biglang gumapang ang nakabigting patiwarik, papalapit sakaniya.

"A-anong nangyare sayo Maeven!?"

Nanlaki ang mga matang sigaw niya.

Papalapit na ang nakakatakot na babae habang patuloy parin si Merry sa pag-atras hanggang sa tuluyang mapa-sandal na Si Merry sa dingding.

"Wag kang lalapit...hindi ka totoo! patay kana!!!"

Sigaw ni Merry habang mariing na nakapikit.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon