16

226 7 4
                                    

April 1 2013

Samantha's POV

"Sam!"

"Sam!"

"Sam!"

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng ingay na nanggagaling sa kilalang tao. Pagmulat nang mata ko ay nagulat ako dahil nakatayo ako at nakatali ang paa at kamay ko.

At laking gulat ko nang makita ko si daniella na nakatali din ang kamay at paa habang sumisigaw at tinatawag ang pangalan ko.

Bigla akong nabalot ng takot ng ikutin ng mata ko ang buong lugar na kinalalagyan namin napakalaki at napakadilim nang buong lugar.

Walang bintana at walang pinto kang makikita na pwedeng daanan at tanging isang tv lang ang nakikita namin. Tumingin ako sa direksyon ni Daniella.

"S...sino ang nagdala satin dito?"

Kinakabahang tanong ko sakanya.

"Y...yung taong naka maskara! yung n...nasa video kanina!"

Sabi ni Daniella habang umiiyak.

Napansin ko na hindi na luha ang inilalabas ni daniella kundi dugo.

Dugo na ngayo'y patuloy na dumadaloy sa mukha niya nasobrahan na siguro siya sa pagiyak kaya imbis na luha ang ilabas ng mata niya ay dugo na.

Nakaramdam ako nang kilabot kaya sumigaw ako ng sumigaw para may taong makatulong samin.

Cedric's POV

"Samantha!"

"Samantha!"

Yan ang kanina pa namin isinisigaw dito sa fourth floor. Bigla kase siya nawala nung paggising namin.

"Nasaan na ba yun?"

Pag-aalala na tanong samin ni Jeanine.

Napatahimik lang kami sa tanong ni Jeanine. Ewan ko pero siguro kinuha na din si Samantha.

Pero bakit ?

Bakit niya kami gustong patayin?

Si Micha ba talaga ang pumapatay o may iba pa?

Lyra's POV

Pagtapos kong pukpukin ng hawak kong makapal na kahoy si Micha ay agad akong tumakbo papunta sa Resort.

Hindi ako naniniwala sa mga kasinungalingan niya simula fourth year at hanggang ngayon alam kong nagsisinungaling lang siya sakin.

Lahat ng pinapakita niyang maganda ay pawang kasinungalingan lang plastic na kung plastic pero yan talaga ang nararamdaman ko.

Hindi ko minahal kahit kailan na parang tunay na kaibigan si Micha lagi niyang ginagaya lahat ng ginagawa ko lahat ng ginugusto ko ay gusto rin niya, pinakikisamahan ko lang siya dahil naaawa ako sa tulad niya na nang lilimos ng kaibigan.

Lahat ng kaibigan namin ay nilayuan na kami dahil sakanya.

Nabalik ako sa katotohanan nang biglang may humawak sakin nandito na pala ako sa loob ng resort.

Kung saan lahat ng kasama ko ay safe ako dahil wala dito si Micha.

"Bakit ka tumatakbo? at saan ka galing?"

Tanong sakin ni Sylan na hawak ngayon ang kamay ko.

Tinignan ko lang siya at dahan-dahan kong inilayo yung kamay niya para matanggal ito sa pagkakahawak niya. Nakita ako ng iba pa naming mga kasamahan at lumapit samin.

"K...kinuha ako ni Micha! Dinala niya ko sa pinaka gitna ng gubat at balak niya sana akong patayin buti nalang at napalo ko siya sa ulo at nakatakas ako agad sakanya."

Nagsimula ng tumulo ang luha ko.

Luha, na punong puno ng kasinungalungan.

"H...huh? Na...nasaan na siya ngayon?"

Tanong ni Jason.

"Nandun sa gubat!"

Sabi ko habang umiiyak parin.

"Buti naman nakaligtas ka."

Sabi ni Sheila sakin at lumapit sa gawi ko.

Isa pa to, masyadong plastic alam kong alam niya na ayoko sa kanya dahil lahat din ng ginagawa ko ay ginagaya niya tinatawag ko nga siyang copycat eh. Naalala ko pa nung fourth year kami lahat ng ginagawa ko eh ginagaya niya diba nakakainis yun?

Nginitian ko nalang siya nang pilit.

"Oo nga e, buti nalang talaga natakasan ko agad siya."

Magsasalita pa sana ako ng biglang nagsalita si Mikkel.

" Teka nga! naguguluhan ako papaano ka makakatakas kung balak ka na niyang patayin? at kung balak ka sana niyang patayin eh dapat kagabi pa nung namatay ang ilaw dahil sa panttraydor na ginawa mo sakaniya remember nagawa mo siyang sampalin kahit hindi pa siya nakakapagpaliwanag? diba magkaibigan kayo ni Micha? dapat kilala niyo na yung isa't isa kung nagsisinungaling siya o hindi...o baka naman kahit kailan ay hindi mo siya tinuring na kaibigan kaya ngayon hindi mo alam kung nagsasabi siya ng totoo o hindi?"

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon