28

176 8 7
                                    

"Ahhh!"

Malakas na sigaw ni Shen.

Nang makasalubong niya si Sylan na papasok ng resort.

"Ano ba! ang ingay mo!"

Sigaw sakanya ni Sylan. Nagpatuloy ito sa paglakad at nakita niya sila Jason na naghahanda.

"Nakita ko na si Lyra!"

Sabi niya sa iba. Tinignan siya ng mga ito ng pagtataka.

"Hindi si Lyra ang dapat nating hanapin Sy! si Micha, nasa panganib siya ngayon!"

Sabi ni Kenneth habang patuloy parin sa pag-ayos ng gamit niya.

"Fuck! nawala sa isip ko! nakita niyo na ba siya? papaano siya na pahamak?"

Tanong niya ulit.

Bigla siyang binato ni Jerome ng isang baril.

Agad niya naman itong nakuha. Pero laking taka niya kung bakit may ganoong bagay ang mga ito. Nagwalang bahala nalang ito at inilagay ito sa bulsa niya.

"Gamitin mo yan pangtanggol sa sarili mo anim lang ang bala niyan. Isa lang ang hinahanap natin ngayon ang taong may kagagawan ng lahat ng ito."

Sabi ni Jerome sa kaibigan. Tumango naman si Sylan bilang pag sang ayon.

*

Puno ng kaba at takot ang nararamdaman ngayon ni Micha.

Dinig niya ang mga yapak na tila palapit sa kaniyang kinaroroonan.

Bigla nalang napapikit si Micha ng maramdaman niyang nasa likod nalang ito ng puno na kaniyang pinagtataguan.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

"Nyahh!"

Itatama na sana ni Micha ang hawak niyang bato sa taong nasa harap niya ngunit agad na napigilan din niya ito ng maaninag niya ang mukha ni Rufino.

"Micha!?"

"Rufino!?"

*

Nanlaki bigla ang mata ni Maeven ng bumungad sakaniya ang bangkay ni Samantha na nakahiga sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Magsasalita na sana si Maeven ng biglang nagsara ang pintuan ng kwarto na kanyang pinasukan. Iniikot ng kaniyang mata ang paligid ng kwarto. Bumilis ang tibok ng puso ni Maeven. Lalabas na sana siya ng CR ng biglang nagitls siya ng makita ang taong nakamaskara.

Muntik ng madulas si Maeven buti nalang ay napahawak siya sa doorknob ng pinto ng CR.

Agad niyang Sinara at nilock ang pinto ng CR. Malakas ang pagkalabog ng taong nakamaskara. Kalabog na halos masira na ang pintuan ng CR.

Gulong-gulo at hindi na magkanda-ugaga ang dalaga sakaniyang gagawin. Pilit niyang itinutulak ang pintuan upang hindi mabuksan ito.

Mabilis na nilibot ng mata niya ang buong paligid ng CR at nabuhayan siya ng makakita ng isang maliit na bintana. Tama lang ang sukat nito at kasya naman ang kanyang katawan upang makadaan.

Mabilis na binuhat ni Maeven si Samantha at inilagay sa tapat ng pinto. Dahan dahan siyang umakyat sa Bowl ng CR at binasag ang salamin ng bintana.

Rinig niya parin ang malakas na kalabog nito.

Kalabog na malapit ng bumigay ang pintuan.

Mabilis na pumasok si Maeven sa loob ng bintana. Medyo hirap siya dahil sa mga basag na bubog ng bintana. Nakadaan naman siya ng mabilis ngunit may mga sugat siyang natamo sa kaniyang tyan at mga binti. May isang malaki pa ngang bubog ng salamin na nakatarak sa kanang paa niya.

Sinubukan niya itong tanggalin pero labis na sakit lamang ang naramdaman niya.

"Tulong!"

"Tulong!"

Umiiyak na sigaw ng dalaga habang paika-ika itong tumakbo  papuntang gubat.

Nang bigla siyang makabangga ng isang tao.

Napaupo siya at agad napaangat ang ulo ng makita niya ang hawak na palakol nito.

Laking gulat niya na ang taong nakamaskara na pala ang kaniyang nasa kaniyang harapan.

Isang sigaw nalang ang nagawa ni Maeven.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon