10

295 8 0
                                    

Ian's POV

Andito ako ngayon sa harapan ng malaking screen at tila tulala parin sa napanood namin. Walang ni isa ang nagtangkang gustong magsalita.

Biglang nabasag ang katahimikan ng biglang pumalakpak yung iba.

"Ang galing!!!"

Pagsigaw ni Jason habang pumapalakpak pa.

Ha?! Bakit sila pumapalakpak? Hindi ba totoo yun?

"T...teka guys wala akong ginagawang ganyan."

Kinakabahang sabi ni Sylan pero parang tila binge sila at di pinansin ang sinabi nito patuloy parin sila sa pagpalakpak.

"Sus, sobrang galing kaya di halatang edited! Masyado mong pinaghirapan yan ha!"

Sabi naman ni Kyra habang nakangiti.

Napatigil kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto ng Theater room at bumungad samin lahat ang isang babae na nakatayo ngayon sa tapat ng pintuan.

"Late na ba ako?"

Sabi niya habang nakapamewang at nakangiti.

"Omg! Melanie!"

Pasigaw na sabi ni Shayne at lumapit kay Melanie, sumabay na din yung iba sa paglapit sa kanya maliban saken at sa katabi kong si Micha.

"M...may kinalaman kaya siya dun?"

Tanong sakin ni Micha.

Di ko siya pinansin tinalikuran ko siya at nagsimula na akong maglakad palayo sakaniya. Ayoko kase siyang makausap parang hindi pa ito ang tamang oras para magusap kami pagtapos ng mangyare samin.

Habang naglalakad ako ay bigla akong napaisip dun sa napanuod naming video.

Totoo ba yun? o talagang palabas lang? P...pero bakit naman may gagawa samin nun...at kung sino man ang gumawa nun anong purpose niya? Ba't niya ginawa ang bagay na yon?

Kung joke yun di nakakatawang biro.

"Aray!"

Sabi nung babaeng nasa harap ko nabangga ko kase siya. Ewan ko pero parang lumilipad parin ang utak ko dahil sa napanuod ko.

Nagulat ako nang makita ko ang babaeng nabangga ko pala ay si Lyra.

Nagkatitigan lang kaming dalawa.

"Sorry."

Mahinang sabi ko. Tinignan niya lang ako at nginitian.

Sylan's POV

Iniisip ko pa rin ang video na lumabas sa slideshow ko kanina kahit ako ay sobrang natakot din...pero bakit lahat sila iniisip na ako ang gumawa nun? Hindi ako marunong gumawa ng ganun.

Totoo ba talaga yun o joke lang?

Pero...sino ang taong nasa likod ng video na yun?

Paano din 'to biglang na pasok sa slideshow ko?

"May kinalaman kaya siya dun."

Nabalik ako sa Katotohanan ng biglang nagsalita si Micha. Umalis bigla si Ian sa pagkakatayo niya at naglakad palayo samin.

Tinignan ko si Melanie na ngayo'y pinagkakaguluhan ng mga dati naming classmates.

"E...ewan ko."

Medyo utal kong sagot kay Micha kasabay nun ang pag kibit balikat ko.

Napatingin sakin si Micha ng masama at inilapit ang hintuturo niya sakin.

"Yung totoo? gawa gawa mo lang ba talaga 'to? o totoo yun? kase kung biro yun hindi magandang biro."

Halos hindi ako makahinga ng tanungin ako bigla ni Micha.

Umiling lang ako sa kanya.

"Ano kaba! kakasabi ko lang diba kanina na wala akong ginawang ganyan. Tsaka ngayon na nga lang tayo nagkita kita sa tingin mo ba gagawin ko yung ganyan?"

Nilibot niya nang tingin ang buong Theater room at laking gulat ko ng bigla niya akong hilahin ni Micha.

Joyce's POV

Matapos kong makiyakap kay Melanie ay nagutom ako kaya umalis ako at naglakad papunta sa mini cafeteria dito sa Resort pagbukas ko ng canteen ay napakadilim ng paligid nito at mukhang walang tao.

Isasarado ko na sana ulit yung pinto ng biglang may humawak sa bibig ko at ipinasok ako sa madilim at nakakatakot na mini cafeteria.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon