27

151 4 1
                                    

"Jason!"

"Jason!"

Sigaw ni Cedric at Mikkel habang hinihingal sa pagtakbo.

"B...bakit? Anong nangyare?"

Tanong ni Dianne sa dalawa. Nabaling din ang tingin ng lahat sa dalawa.

"S...si ano! n...na ano...k...kase ganon. N...na ano nakuha nung taong ano!kase..."

Dipa tapos ang dalawa sa pagsasalita ay biglang sumigaw si Cathlyn.

"Anong ano? ba't puro kayo ano?! Ipaliwanag niyo nga ng maayos para maintindihan namin!"

"Sorry!" sabay na sabi nung dalawa. Huminga sila ng malalim at ipinagpatuloy na ang sasabihin.

"Si Micha! nakuha nung taong nakamaskara!"

Sabay na sabi ulit nung dalawa.

"H...ha? pero paano?"

Tanong ni Veronique na mukhang natataranta na.

Sasagot pa sana ang dalawa ng biglang nagsalita si Jason.

"Kailangan na nating maghanap. Hanapin si Micha at ang iba...buhay man o hindi."

Kaswal na sabi ni Jason. Napatingin sakaniya lahat. tingin na may pagaalinlangan sa sinasabi nito.

"P...paano? kung tayo naman ang mamatay!"

Sabi ni Angelika.

"Huwag ka ngang magpanic! lahat tayo dito biktima, pero lahat din tayo suspek dito. Kailangan nating magsakripisyo kung kailangan!"

Napatigil nalang ang lahat sa sinabi ni Jason. May punto rin kase siyang tama. Ngunit di naman nila kailangan isakripisyo ang kanilang buhay para sa isa't isa.

*

Malakas na sinipa ni Micha. Ang taong sumaksak sakaniyang tiyan agad silang bumagsak at nakatakas si Micha. Agad niyang tinanggal ang sako sa ulo niya at nagulat siya ng mawala na ang taong nansaksak sakaniya.

Tinignan niya ang buong paligid.

Sobrang dilim.

Ni isang puno ay di niya makita. Nakaramdam ng pagtaas ng balahibo si Micha. Kaya't mabilis na siyang paika-ikang tumakbo. Kasabay nun ang pagtulo parin ng kanyang mga dugo.

"Tulong!"

"Tulong!"

Impit na sigaw ni Micha habang patuloy parin sa pagtakbo.

Nakaramdam siya bigla ng may humahabol sakanya. Kaya kahit hirap ay lalo niya pang binilisan.

Bigla siyang nadapa dahilan para gumulong ito ng paikot-ikot. Agad siyang tumayo at kumuha ng malaking bato. Nagtago siya sa likod ng puno na malapit sakanya. Wala siyang ibang makita dahil sa pagkahilo at sobrang dilim ng kaniyang paligid kaya lakas lang ng pakiramdam niya ang kanyang ginagamit.

*

"Bullshit. This is fucking bullshit! I don't get it baliw na ba siya gusto niya lahat tayo mamatay dito?!"

Iritang sambit ni Dianne habang inaayos ang gamit niya sa kwarto. kasama niya duon sila Jessica, Veronique, Angelika, Maeven, Jacky at ang bestfriend niyang si Alison.

"Chill lang Dianne!"

Natatawang sabat ni Jacky.

"Wala naman tayong magagawa! Nandito na tayo at isa pa kailangan nating hanapin pa si Rufino!"

Sabi naman ni Alison. Napatigil si Dianne sa sinabi ng kanyang bestfriend dahan dahan siyang napahiga sa malambot na kama ng kwarto nila.

Si Maeven naman ay tumayo at nagpaalam sakanila.

"Guys punta muna ako ng comfort room."

"Okay! dun kana lang sa may kabilang kwarto mag CR. Sumigaw ka agad kung merong di maganda ah!"

Sabi ni Jacky kay Maeven nagkibit balikat lang ito at agad na lumabas.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon