30

153 6 3
                                    

Nagulat nalang si Melanie ng biglang may tumakip sa kanyang bibig.

Nagpupumiglas siya.

"Melanie ako'to!"

"Ikaw lang pala , ginulat moko ah" Sambit niya kay Lyra akala niya kase ay may dumating ng iba.

"Sorry. Nakita mo ba si Sylan?"

Tanong ni Lyra.

"Andun siya, kasama nila Jerome. Bakit?"

Sagot sakanya ni Melanie.

"Eh si Ed?"

Tanong ulit niya. Napakibit-balikat lang si Melanie. Hindi niya pa kase nakikita si Ed. Napakunot noo si Lyra sa nakuhang sagot kay Melanie.

"Ano? hindi pa siya dumadating dito?"

Kunot noong tanong ng dalaga. Tumango lang si Melanie dahilan para mapaisip si Lyra. Nauna kase itong pumunta sa resort kaya impossibleng hindi siya nakita ni Melanie.

"Ka-kanina kapa dito?"

Tanong ulit ni Lyra sakanya.

"Oo, teka bakit ba?"

Pagkatanong na pagkatanong niyan ni Melanie kay Lyra ay biglang namatay ang lahat ng ilaw sa buong resort. Mabilis na hinila ni Lyra si Melanie upang magtago.

*

"Pupuntahan ko lang yung gawing dun! para kasing may gumalaw eh."

Sabi ni Sylan sa mga kasama niya.

"Samahan na kita?"

Tanong sakanya ng kaibigang si Kenneth. Umiling lang ito at

"Okay lang kaya ko naman mag-isa."

Sabi nito sabay nagsign siya ng Rock n' Roll. Napangiti lang sakanya ang mga kasama niya kase kahit na nasa ganung sitwasyon sila ay cool parin ang dati nilang Classmate na si Sylan.

Tuluyan ng humiwalay si Sylan sakanila. Ramdam niya ang kaba.

Kaba na kanina niya pa itinitago.

Habang papalapit siya sa may bandang damuhan ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso niya.

Pagkahawi niya sa mga damong nakaharang ay bumungad sakanya ang bangkay ni Daniella na duguan at may kutsilyong nakatarak sa ulo nito halos kainis na nga ng mga uod at mga lamok ang mukha nito.

Halos masuka-suka si Sylan sa nakita niya. Mabilis na nanghina ang kanyang mga tuhod kaya't napaupo ito. Hindi niya alam ang gagawin.

Nagulat nalang siya ng biglang may tumakip sakanyang mga mata.

*

Nagtago sila Lyra at Melanie sa isang madilim na silid.

Nilagay pa nga nila ang ibang mga gamit sa pintuan upang hindi ito mabuksan agad dahil sa sobrang takot ay nagyakapan ng mahigpit ang dalawa.

Muntik ng mapasigaw sila Lyra at Melanie ng biglang gumalaw ang doorknob ng pinto buti nalang ay agad nilang natakpan ang kanilang mga bibig.

Nakarinig din sila ng mga kalabog , kalabog na pilit sinisira ang pinto. Iniikot ni Lyra ang tingin sa kwarto at ang nakapagbigay sakanya ng lakas ng loob ay ng makakita siya ng butas.

Butas na nasa may bandang kisame.

*

"Sharmaine! dito tayo!"

Sabi nina Merry At Crislyn.

Habang naglalakad papunta sa Theater room.

Sobrang dilim na kase ng paligid dahil nga sa nawalan nanaman ulit ng ilaw ang resort.

Mas nakakatakot na ngayon dahil hiwa-hiwalay na sila at kanya kanyang ligtas sa sarili.

"Teka nga, ba't ba kase tayo nandito bakit hindi nalang tayo umalis!"

Sabi naman ni Sharmaine habang dahan dahan silang naglalakad.

"Psssst! manahimik ka nga kung lalabas tayo dito sa resort eh di mas inilagay narin natin ang mga sarili natin sa kapahamakan!"

Sagot sakanya ni Crislyn napatahimik tuloy si Sharmaine sa sinabi ng dating kaibigan at umupo nalang sa isang gilid.

Napalinga-linga sila bigla ng makarinig sila ng ungol.

Ungol na sa tingin nila ay nagmamakaawa.

Nagkatinginan silang tatlo at napatingala silang tatlo ng matuluan sila ng tubig.

Halos hindi maipinta ang mga mukha nila ng makita nila si Maeven na nakatali patiwarik.

Duguan ang mukha nito mula't ang mga mata at bukas ang bunganga.

"Ahhh!"

Sabay sabay na sigaw ng tatlo.

Mabilis na tumakbo si Crislyn at Sharmaine.

Samantalang naiwan namang mag-isa na nakatayo si Merry.

Hindi niya kase maigalaw ang kanyang mga paa sa sobrang takot.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon