1

492 9 0
  • Dedicated kay Sylan C. Bahia
                                    

March 30, 2010

Katatapos lang ng high school Graduation ng magkakaklase kaya naisipan nilang magsama-sama at magcelebrate sa malayong lugar.

Habang nakasakay sila sa isang lumang bus na pinagambagan nilang magkakaklase biglang sumigaw ang isang babae na nakaupo malapit sa driver seat.

"Jason! preno!" Sigaw ni Merry habang nakatayo na sa Bus na sinasakyan nila. Nakakita kase siya bigla ng tao na patawid sa kalsadang kanilang daraanan.

Pero huli na si Merry. Nagulat nalang si Jason sa narinig nilang ugong pati narin ang iba pa niyang mga kaklase na nakasakay sa bus ay biglang natigilan sa nangyare.

Nagkatinginan si Merry at Jason. Bakas sa mga mukha nila ang kaba at takot na bumabalot sakanila ngayon.

Nagmadaling binuksan ni jason ang pinto ng bus at lumabas siya kasama ang iba pang mga pasahero ng bus.

"Ahhhhh!"

Halos mabasag ang mga tenga nila sa pagsigaw ni Lyra masuka suka naman si Jason sa bumungad sa kanila nang bumaba sila ng bus.

Isang tao.  Duguan at halos lasog lasog ang katawan habang nakahandusay sa tapat ng kanilang Bus .

"Shit! anong ginawa mo?"

Kinakabahan na tanong ni Micha, na mukhang gulong gulo ang utak at gulat na gulat sa pangyayare.

"N-nasagasaan mo?"

Utal na sabi naman ni Melanie habang di niya namalayan na umiiyak na siya sa sobrang takot. Agad naman siyang nilapitan at niyakap ng kasintahan niyang si Rufino.

"Pre, tumawag nalang tayo ng pulis  para malaman nila ang pangyayare " Sabi ni Rufino habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ni Melanie.

Natigilan silang lahat.

Biglang napatingin sa kanya si Jason.

"The hell! Rufino, Naririnig mo ba yang sinasabi mo?"

Iritableng sagot nito sa suwestyon ng matalik na kaibigan.

Maging siya gulong gulo at gulat na gulat sa pangyayare. Hindi niya alam ang dapat gawin at tila balisa ang kanyang isipan.

Ang kaninang masaya nilang byahe ngayon ay naging miserable.

"Kasalanan mo to eh!"

Biglang pagsigaw ni Jason kay Merry. Lumingid ang mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas sa mata ni Merry. Di niya na napigilan ang sarili at umiyak na siya.

"Kung sinabi mo agad edi sana wala tayo sa sitwasyong ganito!"

Patuloy na litanya ni Jason pero walang ibang sagot siyang natanggap kundi ang pag iyak lang ni Merry. Di rin kase niya alam kung ano ba ang isasagot kay Jason.

"Wag na tayong mag sisihan okay? Wala naman yang magagawa ngayon eh. Ang kailangan natin ngayon solusyon! Lahat tayo may responsibilidad sa nangyareng 'to kaya damay damay tayong lahat dito."

Sabat naman ng kaibigan ni Jason na si Jerome.

"Dapat natin 'tong isekreto at itago."

Dagdag pa ni Jerome na halatang nagtatapang tapangan sa kabila ng kaniyang takot na nadarama.

"P...pero paano natin magagawa yun?"

Tanong naman ni Jason na mukhang naguguluhan parin.

"Itapon nalang natin ang bangkay." Sabi ni Jerome. Napatingin sa kaniya lahat at makikitang gulat sila sa suwestyon na sinabi ng kanilang kaibigan at kaklase.

"Nahihibang ka na ba pre?"

Pagsigaw sakanya ng matalik na kaibigan na si Ian.

"Wala na tayong ibang solusyon! Pag nagsumbong tayo sa mga pulis kakasuhan tayo ng murder at lahat ng mga pangarap natin mawawala dahil makukulong tayo. Masisira pati pangalan ng mga magulang natin."

Sabi ni Jerome na mukhang desidido na at wala nang takot na nararamdaman.

Natahimik ulit ang paligid nila. Naisip nilang lahat na tama nga si Jerome. Lahat sila ay bagong graduate palang ng HS at pag nakulong sila lahat ng mga pangarap nila sa buhay ay isa isa nang mabubura nang dahil sa isang pagkakamali lang.

Bandang huli ay napagisipan nila na gawin nalang ang suwestyon ni Jerome. Dahil ito lang ang tanging paraan para masalba ang mga pangarap nila sa buhay at hindi makulong.

Biglang nag iba ang atmosphere sa paligid nila.

Lahat sila ay nilamon na ng kasamaan.

Di na sila nagdalawang isip at binalutan nila ito ng makapal na kumot at agad na tinapon sa malapit na Dagat.

Kasabay ng patapon nila dito ang pagtapon at pag limit nila sa masamang alaala na dulot nito sakanilang lahat.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon