31

136 5 3
                                    

Dahan-dahan na binuhat ni Lyra at Melanie ang lamesa sa gitna upang maka-akyat sila papasok dun sa may butas sa kisame. Hindi matangkad ang lamesa kaya't kumuha pa sila ng bangko at ipinatong sa itaas ng lamesa.

Mukhang nadinigan sila ng taong nasa labas kaya't mas lalo pa nitong nilakasan ang pagpalo at pagkalabog nito sa pinto.

Nagmadali namang umakyat si Lyra papunta sa may kisame walang ano ano ay agad naman siyang naka-akyat. Matangkad kasi siya ng onti kay Melanie kaya't siya ang nauna para matulungan niya si Melanie sa pag-akyat.

"Halika na Melanie!"

Mahinang boses na pagtawag ni Lyra sa kaibigan. Habang inaabot na ang isang kamay nito. Aakyat na sana si Melanie nang biglang tumahimik ang paligid. Nilakasan niya ang pakiramdam dahil alam niyang nasa paligid lang ito.

Napanga-nga bigla si Melanie ng bumuhos ang liwanag ng buwan ng malaglag ang kurtina na nakatakip sa gilid niya.

Bumilis ang tibok ng puso niya dahil hindi ito bintana buo at purong salamin ang pader ng gilid ng kwarto na natatakpan ng kurtina.

"Bilisan mona Melanie!"

Mahinang sigaw ulit ni Lyra.

Mabilis namang umakyat na si Melanie sa lamesa ngunit napatigil siya ng makita ang taong nakamaskara na may hawak na matulis na spear habang nakatayo sa tapat ng pader na salamin. Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Melanie ang sumigaw.

"Wahhh!!!"

Sigaw nito.

Kasabay nun ang paghampas ng malakas ng taong nakamaskara sa salamin.

Mabilis na nabasag ito at kumalat ang mga bubog. Nagmadali namang umakyat na si Melanie sa upuan at pilit na iniaabot ang kamay kay Lyra.

"Itaas mo pa Melanie! bilisan mo! onti pa!"

Nagmamadali at taranta ng sigaw ni Lyra kay Melanie.

Kaya't sa sobrang kaba ay napatalon si melanie para abutin ang kamay ni Lyra. Pagtalon na pagtalon ni Melanie ay bumagsak ang upuan, kasabay nun ang pag-abot niya sa dulo ng daliri ni Lyra. Hahawakan palang sana ni Lyra ang kamay ni Melanie ng bigla itong napabitaw.

Mabilis na nalaglag si Melanie sa sahig dahilan para manghina siya.

Nakita niya ang unti-unting paglapit sakaniya ng taong nakamaskara. Kahit na alam niyang mahirap parin tumakas ay pilit paring siyang gumapang ngunit huli na siya dahil nakuha na ng taong nakamaskara ang isa niyang binti.

*

"Bilisan mo Kate! onti nalang itulak mo pa!"

Mahinang pag-utos ni Cathlyn sa kaibigan. Tinignan siya bigla ng masama ni Kate.

"Tumulong ka kaya para mapabilis! diba ikaw naman ang may gustong umalis!?"

Napakuno't noo bigla si Cathlyn sa inasal ng kaibigan.

"Anong sabi mo?"

Nakangiting tanong ni Cathlyn sa kaibigan. Inirapan siya nito at biglang tinalikuran.

"Umalis ka mag-isa mo!"

Sagot sa kaniya ni Kate at sabay takbo palayo sakanya. Biglang nanghina ang mga tuhod ni Cathlyn. Sapagkat isa-isa na siyang iniwan ng kanyang mga saklay. Alam niyang darating at darating silang lahat sa puntong ito. Ngunit hindi niya inaasahan na ganito ang mangyayare. Nanliit bigla ang tingin niya sa sarili niya. Di na niya kase magawang kontrolin ang mga kaibigan niya.

*

"Alison? Ogie?"

Takang tanong ni Dianne sa mga kaibigan. Pagkabukas na pagkabukas kase niya sa pintuan ng kwarto ay bumungad sakaniya ang dalawa na kapwa walang suot na saplot.

Habang nagtutukaan.

Kasabay na pumasok niya sa kwarto ay si Micha at ang kasintahan ni Alison na si Rufino.

Parang nakakita ng multo si Alison ng makita niya ang kasintahan. Mabilis niyang tinakpan ang kanyang katawan ng kumot sa sobrang gulat.

"Teka bro, Mag-usap tayo!"

Sabi ni Ogie. Ngunit hindi na siya pinakinggan ni Rufino dahil mabilis na sumuntok ang kamao nito sa mukha ni Ogie dahilan para magdugo ang dulo ng kaliwang labi nito.

"Pagkatapos ng lahat ito igaganti mo sakin. Magkapatid na ang turingan natin. Gago! di ka man lang ba nanginig sa pang-aahas na ginagawa mo? Ha?"

Sabi ni Rufino habang hawak niya si Ogie sa leeg.

"Tama na Rufino! buong akala kase namin ay patay kana!"

Saba't na sabi ni Alison. Biglang gumuhit ang isang nakakatakot na ngiti sa labi ni Rufino at ibinaba na sa pagkakahawak si Ogie.

"Eh mga baboy pala kayo eh! bakit siya pa alison?! at ikaw namang tarantado ka naninigas na ba yang batuta mo kaya mabilis na tinuhog mo 'tong syota ko!"

Sabi ni Rufino habang halo-halo na ng emosyon ang lumalabas sa mukha niya.

"Magsama kayo!"

Dagdag pang sabi nito sabay talikod sa dalawa. Agad naman siyang hinabol ni Dianne at Micha.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon