13

221 6 4
                                    

Micha's POV

Habang umiiyak ako ay biglang namatay ang ilaw. Napangiti ako at nakaisip ako ng paraan habang nakatali ang kamay ko ay pilit kong timatanggal ito at natanggal ko rin naman ito agad.

Dahan dahan akong naglakad palapit kay Lyra at tinakpan ko ang bunganga niya at dinala palabas. Kasabay nun ang malakas na pagsigaw ng isang babae.

Nanakakuha ng atensyon nilang lahat. Agad kaming lumabas ni Lyra at tumakbo palayo sa nasabing Resort.

Cathlyn's POV

"Ahhhhh!!!"

Halos mabingi kaming lahat nang makarinig kami ng sigaw sa isang babae. Niyakap ko ng maigi ang katabi kong si Daniella sa sobrang takot kasabay nun ang pagbukas ng ilaw, bigla ulit kaming nabalot sa takot ng sumigaw si Ian.

"Si Micha!"

Napatingin sa kaniya ang lahat at kitang takot na takot siya dahil nawala ang kaninang nakatali lang sa upuan na si Micha. Tumingin kaming lahat sa paligid at laking taka ko ng hindi ko nakita si Lyra.

"Si Lyra?!"

Sabi ko kasabay nun ang malakas na pagtinok ng puso ko. Nagkatinginan kaming lahat ng biglang nagsalita ang yakap ko.

"Aw, hindi mo pa ba ako balak bitawan?"

Sabi ni Kristoffer. Naitulak ko siya at bigla akong natauhan.

"Si Daniella?"

Sigaw ko, lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

"M...may nawawala pa ba?"

Tanong ni Jason sa amin. Walang ni isa ang nagsalita, nanatiling tahimik ang buong lugar ng biglang.

"Hanapin na natin sila!"

Sabi ni Dianne, na nanatiling matapang sa kabila ng mga nangyayare.

"Sasama ako! Pero kailangan mahati tayo para hanapin ang iba dito sa loob ng resort at kami naman sa labas maghahanap."

Pagpiprisinta ni Jerome.

"Iwan nalang ang mga babae kasama kayo Mikkel, Cedric at Andrew!"

Sabi ni Jason na mukhang kinakabahan narin.

"S...sige dito nalang kami maghahanap."

Pagsang ayon naman ni Andrew kahit halata sa hitsura niya ang takot na nadarama.

Tuluyan nang umalis ang mga lalake para hanapin sa kagubatan ang mga kasamahan namin na nawawala.

Lyra's POV

Andito kami ni Micha sa labas nang resort tumatakbo sa kalagitnaan ng magubat na daan. Hindi ako makapalag sakanya dahil yakap niya ako at hindi rin ako makasigaw dahil tinatakpan niya ang bunganga ko.

Nang medyo nakaramdam na siya na nakalayo na kami ay binitawan niya na ako at umupo siya sa may gilid ng puno habang hinahabol ang kaniyang pag hinga.

Sisigaw na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"H...hindi ko pinatay si Joyce, Lyra maniwala ka naman sakin. Kailangan na nating umalis dito! Dahil may pumapatay sa lugar na 'to!"

Sabi ni Micha, habang umiiyak sa harap ko.

Hindi ko kayang maniwala sa sinasabi niya dahil sa tagal na namin magkasama alam kong may mga bagay parin akong hindi alam sakaniya.

"Oo, alam ko naman yun. N...naniniwala ako sayo."

Pagsisinungaling kong sabi sakaniya. Napatingin bigla sakin si Micha at napangiti. Ngumiti din ako sakaniya. Mahigpit niya akong niyakap at Mas lalo akong napangiti ng makita ko ang isang malapad na kahoy sa harapan ko.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon