18

203 7 2
                                    

Melanie's POV

Mabilis masyado ang mga pangyayare isanng araw palang kami dito sa Resort ay andami nang mga kababalaghan ang nangyare.

At ngayon ay nandito kami ngayon sa ground floor ng resort. Habang ang iba ay naghahanap pa at ang iba ay nawawala parin.

"Alam ko na kung sino ang killer!"

Nabalik ako sa katotohanan nang sambitin yan ni Ed. Napatigil ako bigla at napatingin sakanya.

"S...sino?"

Kabadong tanong ni Sylan na kasalukuyang nasa tabi ni Ed. Bakas sa mukha nito ang kaba na nararamdaman niya.

Napangiti bigla si Ed ng marinig ang tanong ni Sylan.

"Walang iba kundi...ikaw!"

Tinuro niya si Sylan at kita na lumaki ang dalawang mata nito nung itinuro siya ni Ed.

"P...pero bakit ako?"

Kinakabahang tanong ulit ni Sylan.

Maski kami'y nagulat sa sinabing ito ni Ed.

"Simple lang..."

Ngumiti muna si Ed ng palihim.

"Ikaw ang nagbigay ng sulat...at sa video ay kita naming lahat na sa mismong video mo lumabas ang pagkamatay ni Ken...ikaw din ang may ari ng resort at alam mo kung paano kontrolin ang mga bagay bagay sa lugar na'to....planado mong lahat ito. Pinatay mo ang ilaw para kunin si Daniella at di mo napansin na kasabay nun ang pagtakas ni Micha. Friname up mo lang talaga si Micha! para di matuon ang atensyon namin sayo pero mukhang nagkamali ka dahil hindi mo alam na matagal na kitang pinaghihinalaan.

Dagdag pang sabi ni Ed.

Napahinto ang lahat sa sinabi niya.

Ed's POV

Napatigil silang lahat sa sinabi ko naagaw naman ni Sylan ang pansin ko ng ngumiti siya ng nakakaloko.

"Hmmm... oo nga ako ang may ari ng resort at ako rin ang nagbigay ng sulat pero dapat na ba akong mapagbintangan? mali lahat ng mga sinabi mo dahil lahat sila ay hindi ko pinatay hindi ko kinuha si Daniella at mas lalong hindi ko plinanong pagbintangan niyo si Micha! lahat ng mga sinabi mo ay may kasagutan ako. Sinadya kong patayin ang ilaw nung nakatali si Micha? alam ko kaseng hindi mahigpit ang pagkakatali sakanya. Oo tinulungan ko siya dahil naaawa ako sakanya at mukhang mali ka rin dahil pagkapatay ko nung ilaw ay agad akong lumapit kay Kenneth may timer ang generator namin dito kaya pansin mo onting minuto lang ang pinagitan nun nung namatay ang ilaw?"

H...hindi pero papaano? paano niya napansin? akala ko matatakpan lahat nun pero bakit? bakit napansin niya ang napakaliit na pagkakamali ko?

Napatigil ako at napayuko.

"Ahhhh!!!"

Napatingin kami sa itaas ng biglang may narinig kaming sigaw na ng gagaling duon bigla nalang kaming kinabahan at kinilabutan dahil may pabagsak na kung ano sa kinatatayuan namin.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon