5

338 8 0
  • Dedicated kay Shayne Simbillo
                                    

Rufino's POV

"Sinungaling!"

Agad naman akong napalingon ng marinig ko ang sigaw nang isang  pamilyar na boses.

Si Alison.

"B...babe?"

Pagtawag ko sakanya. Lalapitan ko na sana siya ng biglang tumakbo siya palabas ng Resort.

Patay.

Agad naman akong tumakbo para habulin siya.

Teka bakit siya nandito?

Sinusundan niya ba ako?

Pero bakit niya naman nalaman na nandito ako?

Napailing nalang ako at napakamot ng ulo.

Tumakbo ako ng tumakbo, ilang beses ko rin siyang tinawag pero di man lang niya ako nilingon. Habang tumatakbo ako ay parang nagbabago yung paligid sa gubat parang habang palayo kami ng palayo ay padilim ng padilim

Habang tumatakbo ako para habulin si Alison ay bigla akong nakatapak sa isang malalim na butas mabilis akong nahulog pababa sa madilim at masukal na butas.

Halos di ako makagalaw sa lakas at sakit ng pagkakabagsak ko di ko na din maaninag ang paligid ko. Unti unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan nakong walang nakita.

Daniella's POV

Gabi palang matapos namin matanggap ang sulat na galing sa taong hindi namin kilala ay agad kaming umalis papunta sa lugar kung saan niya kami pinapapunta.

Alam kong napakatanga namin dahil baka mamaya ay ginagantso lang pala kami nitong sinasabi sa sulat pero nang mabasa kase namen to ay parang may bumulong saming lahat na pumunta dun sa lugar na tinutukoy ng sulat.

At naging successful naman ang ginawa namin kasi nandito kami ngayon sa Resort kung saan kami pinapunta. Napakalaki ng Deifirret resorts halos sakupin na nga nito ang kalahati ng sila eh pero sobrang ganda sa loob lobby palang pang sosyalin na talaga. Kahit medyo nakakatakot ang labas niya dahil sa kagubatan na nakapalibot sa buong resort.

Maaga kaming nakadating sa Resort kaya ito nandito kami ngayon sa room namin nagpipillow fighting .

Habang nagpipillow fighting kami nila Shayne, Cathlyn at Kate sa room namin ay biglang namatay ang mga ilaw.

"B...bakit namatay? brown out ba?"

Taka kong tanong na biglang nakaramdam ako ng takot.

"Wag ka ngang matatakutin dyan, aayusin din yan wait lang natin."

Sabi ni Shayne sakin.

Naglapit lapit kaming apat at nagyakapan bigla kase kaming nakaramdam ng biglaang paglamig ng buong paligid eh. Napakadilim pa ng paligid kasi walang window yung room namin at gabi na rin kase kaya sobrang dilim.

*toooot*

1 New Message

Habang magkakayakap kame ay biglang nagvibrate ang cellphone ko kaya halos mapasigaw ako sa takot at gulat.

Binuksan ko yung message at napatulala ako sa nabasa ko.

From: +639999-----

Welcome to Die .

Bigla akong kinalabutan tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan at halos manigas ako sa sobrang takot na nadarama.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon