33

131 2 0
                                    

"Merry!"

"Merry!"

"Merry!"

Mahinang sigaw nina Sharmine at Crislyn sa buong paligid ng loob ng Resort.

Hindi kase nila namalayan na naiwan pala nila ang kaibigan habang tumatakbo palabas ng Theater room.

"Sharmaine! lumabas na kaya tayo dito! baka mamaya kung ano pang mangyare satin dito!"

Takot na pabulong ni Crislyn sa kaibigan habang hawak hawak niya ito ng mahigpit sa braso.

"Ano kaba! diba dito ka nagtatrabaho, ba't ka natatakot? at tsaka isa pa kailangan nating mahanap si Merry! baka mamaya kung ano ng nangyare dun!"

Mahinang sagot sakanya ni Sharmaine, biglang natigilan sa paglalakad si Crislyn ng bigla siyang makaaninag ng tao na sumusunod sakanila.

"Sh....sharmaine, parang may tao dun!"

Mahinang bulong ni Crislyn habang nakaturo sa pintuan ng Theater room.

"Ha? sa...saan?"

Sabay tutok ng flashlight sa pintuan at laking gulat nalang sila sa nakita nila.

*

"Rufino! Ano ba? tumigil kana please, hindi mo naman matatakasan ang mga problema kung patuloy mo 'tong tatakbuhan diba? "

Sigaw ni Dianne kay Rufino habang hinihingal sa paghabol sa kaibigan.

"Hayaan nalang muna natin siya kailangan niya lang siguro muna magisip."

Sabi bigla ni Micha na kapwa hingal na hingal din dahil sa paghabol nila kay Rufino.

"Pero girl! baka mapahamak yun."

Sabi ni Dianne na akmang hahabulin pa sana si Rufino.

"Huwag mona siyang habulin! "

Pagpigil ni Micha kay Dianne.

"Magiging ayos lang yun, baka ikaw pa ang mapahamak pagpinagpatuloy mo pa ang paghabol sakanya."

"Bahala na!"

Sabi ni Dianne sabay tanggal sa kamay ni Micha at sabay takbo. Walang ibang nagawa si Micha kundi hayaan na si Dianne at tuluyan siyang naiwanan mag-isa sa kagubatan.

*

"Sino yan?"

kabadong tanong nina Jessica at Veronique nang may maaninag silang tao sa likod ng puno laking gulat nalang nila ng biglang lumabas sa likod ng puno si Ed at nginitian sila nito.

"Ano ba'yan Ed! tinakot mo naman kami!"

Sabi ni Veronique na nakahawak sa dibdib niya.

"Uy okay ka lang ba, Ed?"

Takang tanong sakanya ni Jessica. Ngumiti lang ito.

"Oo okay lang ako, tara hanapin na natin sila."

Kalmadong sagot ni Ed.

*

"Sylan!"

"Sylan!"

"Sylan"

Pagtawag ng mga kaibigan niya sakanya. Simula kase ng magpaalam ito sakanila ay hindi na ito bumalik.

"Asan na ba yun?"

Medyo iritang boses ni Jason habang nakakunot ang noo.

"Ewan ko sabi niya may titignan lang siya dun e."

Sabi ni Jerome habang nakaturo sa kung saan.

"Hay baka...."

"Ahhhh!!!"

Malakas na sigaw bigla ni Eroll ng bigla niyang tapatan ng flashlight ang napansin na nakasabit sa harap niyang puno.

TerrifiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon