Chapter 3

208 11 7
                                    

Hanggang sa makapasok ako ay iniisip ko pa rin ang nakita ko. Hindi ko alam kung sino ang babaeng sinundo niya at gusto ko man siyang komprontahin ay hindi ko ginawa dahil wala akong sapat na ebidensya.

I want to caught him red handed if he's really cheating on me.

Nang makaupo ako sa table ko ay napagpasyahan ko nalang na gawin ang trabaho kaysa isipin pa ang nakita ko. I'm still not sure of it kaya mas mabuti na hindi ko siya masyadong isipin.

Naging busy rin ako kalaunan dahil may task na iniatang sa department namin kaya napagpasyahan ng head na magkaroon kami ng agarang meeting. Mga bandang alas-otso nang saka lang dumating ang ka-officemate ko.

"I'm sorry na late ako. May pinuntahan kasi ako kanina at natraffic naman ako pagbalik ko" paliwanag niya at naupo sa silyang kaharap ko at saka na pinagpatuloy ang meeting.

Nang mapasulyap ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang mapatingin sa suot niya. Parang may kahawig kasi ito pero hindi ko naman maalala kung saan ko siya nakita.

Nagfocus nalang ako sa pakikinig sa plano namin at nagtake na rin ako ng notes. Nagpatuloy ang meeting at lahat kami ay may kaniya-kaniyang kasama dahil dinivide rin ang aming gagawin.

Kaya ngayon ay kasama ko sina Shiela at Jessa dahil sila ang makakasama ko sa paggawa. Wala namang naging reklamo sa akin dahil kaibigan ko rin naman sila.

"So anong plano natin ngayon? Dun pa talaga tayo na-assign sa mahirap. Di ko alam kung papansin lang talaga yung head" reklamo ni Shiela.

We're actually assigned sa encoding. Madali lang naman siya pero andami ng kailangan naming iencode kaya panay ang reklamo niya. Hinayaan nalang namin dahil may galit na rin talaga siya sa head.

"Parang mas maganda kung sisimulana nalang natin siya kaysa magreklamo ka dyan, Shiela. Hindi mo rin naman matatapos yung gagawin kung reklamo lang ang gagawin mo" sabi ni Jessa na tinanguan ko naman bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

Nabaling naman ang ulo sa kaniya ni Shiela at nameywang pa siya. "Oyy Jessadine gagawa rin naman ako. Sadyang nakakainis lang ang head natin dahil kung magbagsak ng gawain eh kala mo may double pay" reklamo pa niya ulit.

"At bakit nga pala masyado tayong nira-rush? May problema ba sa firm?" tanong niya pa ulit at sinagot ulit siya ni Jessa. "Ang balita ko ay may konting problema daw dito at hindi ko naman sure kung ano. Tapos mas nagiging ahead na rin yung competitors kaya nira-rush na rin talaga nila" paliwanag niya naman.

"Aling firm? Yung WAY ba?" tanong ko naman na siyang tinanguan niya.

"Matagal na rin yon kakompitensya kaya hindi mo rin naman sila masisisi kung nira-rush na tayo ng ganito" saad ko at napatango si Jessa at napabuntong-hininga naman si Shiela.

Hinati-hati na rin namin ang gagawin para mabilis ang pan-e-encode namin. Kumpol ang kakailangan naming iencode kaya hindi ko rin masisisi si Shiela sa grabe niyang pagrereklamo. Kahit ako gusto ko nalang pilasin ang mga pahina para matapos na.

Tumigil kami sa ginagawa nang maglunch break at sabay sabay na rin kaming pumunta sa cafeteria. Si Jessa na rin ang nag-offer na bibili na hindi namin tinanggihan. Medyo nangalay na rin kasi ang kamay ko kakatype kanina.

Nang makahanap kami ng pwesto ay dun na kami naupo. Kinuha ko na rin agad ang phone ko at binasa ang message na galing kay Jake.

From: Jake <3
Nakapasok ka na sa work. I'm sorry
at hindi na kita naihatid kanina. Busy
lang rin ako sa work.

Sa nabasa ay agad ko rin siyang nireplyan.

To: Jake
It's okay, Jake, I understand.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now