I sighed nang tuluyan siyang makaalis sa condo ko. Masyadong nanghihina ang mga tuhod ko at napasandal pa ako. I stayed there for a minute at nagtungo na sa couch.
I can't believe na siya na mismo ang nag-ooffer sakin ngayon ng trabaho. Siguro ay dahil lang sa pinagsasabi ko sa kaniya nang malasing ako.
Gustuhin ko man na bumalik ay alam ko na hindi ko na rin kakayanin. Of course I want a job pero kung sa kaniya lang din naman ay huwag nalang dahil hindi ko mapapangako na mapipigilan ko pa ang sarili ko na hindi mahulog sa kaniya.
Kagagaling ko lang sa failed relationship kaya ayaw kong hayaan siya na makapasok sa sistema ko. I want to build a wall so I can protect my heart pero nagawa niyang makapasok kahit wala naman siyang ginagawa.
Kahit ilang beses kong itanggi ay alam ko sa sarili ko na sa maikling panahon na nagkasama kami sa Palawan ay nagawa kong mahulog sa kaniya. Every moment that we spend there is really memorable to the point na nasaktan ako nang sabihin niyang kalimutan nalang ang mga nangyari samin doon.
I thought na aabutin ng ilang taon bago ko makalimutan si Jake pero dahil kay Wyatt ay nagawa kong magmove on nang iilang buwan lamang. Andito pa rin naman yung sakit na idinulot niya pero mas masakit yung ipinadama ni Wyatt.
Sa totoo lang ay nalilito na ako kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. I want to rest at pansamantalang kalimutan ang sakit na dulot ng pag-ibig. Gusto ko nalang bumalik sa dati na walang masyadong inaalala. Na tanging sarili ko lang ang iisipin ko at hindi ang sasabihin ng iba.
Muli akong napabuntong-hininga at kinuha ang phone ko. I texted Divi na dito nalang muna ulit ako sa condo ko dahil tinatamad akong pumunta sa kanila. Ayos lang naman sa kaniya pero busy rin siya ngayon kaya nagpasuyo na dito nalang ulit sakin ang pamangkin ko na hindi ko naman tinanggihan dahil para may kasama na rin ako.
Matapos ng naging usapan namin ay nagbrowse nalang ako ng mga news para maaliw. I searched for different news report pero laging ang article tungkol kay Wyatt ang nalabas sa suggested kaya pinatay ko nalang ang phone ko.
Sa ngayon ay balak ko munang magpahinga sa trabaho at baka next month nalang ako maghahanap ulit. May pera pa naman ako para sa magiging expenses ko kaya hindi hadlang sakin ang pera.
Mariin kong pinikit ang aking mga mata at napasandal nalang sa sofa. I stayed like that for some time nang biglang tumunog ang doorbell ko. Sa pag-aakalang si Divi na ang nandyan ay agad ko itong binuksan.
Agad na bumungad sa akin ang mukha na Wyatt na ngayon ay nakapamulsa at tamad na nakatingin.
"What are you doing here again?" agad kong tanong sa kaniya.
"I have a proposal to make" he just said pero inilingan ko naman siya.
"I already told you na hindi na nga ako magtatrabaho sa firm mo and that's final. Huwag mo nalang sayangin ang oras mo sakin" saad ko pa pero siya naman ngayon ang umiling.
"Can't you please hear me out first before you decide? Pero kahit naman tumanggi ka ay hindi ako titigil na kumbinsihin ka na bumalik sakin" mariin pa nitong sabi.
I sighed at kahit labag sa loob ay niluwagan ko ang bukas ng pinto. Paniguradong seryoso siya na hindi talaga siya titigil kaya wala na talaga akong magagawa.
Kampante siyang pumasok at dumiretso siya ng upo sa sofa na akala mo ay siya talaga ang may-ari nito. Naupo siya rito at naupo naman ako sa harap niya.
"What do you want this time, Wyatt?" tanong ko agad rito.
"So this is the proposal that I made. If you're going to be my secretary again, your salary will be doubled. The company can also give you a condo that you can have permanently and a car so you can travel without taking any cab" kampante niyang pagkakasabi.
YOU ARE READING
Her Wicked Revenge
RomanceWicked Series #1 Meraiah is already contented to her life. A work in a firm, a condo that she built for her future, and a loveable fiancé. And when they decided to get wed, Meraiah is the happiest in the world. But things got changed at the day when...