Chapter 30

222 7 2
                                    

Pagkagising ko ay puro puti ang nakikita ko. Nang libutin ko ang mata ko ay napagtanto kong nasa ospital ako.

Why am I here? How did I get here?

From that question, biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Wyatt. Nang makita niya akong gising ay agad itong lumapit sa akin.

"Pinag-alala mo ako, Faye. Bakit hindi mo sinabi sa akin na may sakit ka?" alala nitong tanong.

"I'm not sick, Wyatt. Hindi ko alam kung bakit ako nahilo kanina. Mabuti pa ay umuwi nalang tayo" sagot ko pa rito at akmang tatanggalin ang IV na nakakabit sa akin nang biglang bumukas ang pinto.

Doon nabaling ang tingin namin ni Wyatt. May pumasok na doktor at ngumiti ito sa akin.

"I'm glad that you're awake now" bati nito sa akin.

"Am I sick, Doc? Pwede na ba kaming umuwi?" tanong ko rito. He smiled again before shooking his head.

"You can't go home for now, Mrs. Ybañez. Hihintayin lang natin anh test result"

Mrs. Ybañez?

Nang sulyapan ko si Wyatt ay hindi ito nakatingin sa akin pero sinusupil siya ng ngiti. Tiningnan ko lang siya nang masama at muling binaling ang tingin ko sa doktor.

Magtatanong pa sana ako rito nang muling bumukas ang pinto and this time, isang nurse naman ang pumasok.

May binigay ito sa doktor at agad naman niya itong tinanggap. Tiningnan niya lang ito at kalaunan ay bumaling sa akin.

"I guess that's the reason why you passed out. Huwag ka masyadong magpapagod at iwasan ang stress, okay?" ani nito saka bumaling kay Wyatt.

"And Mr., please thicken your patience. There are times na magiging malala ang mood swings ni Misis so you should understand her. Make sure that she's eating right and don't forget to take the vitamins that I will prescribe since makakatulong sa kanila ito ni baby"

B-Baby?

Sa sinabi nito ay agad akong natigilan. Muli akong napasulyap kay Wyatt at maski ito ay napatulala sa doktor.

"W-What are you saying, Doc?" I asked him nervously.

"Congratulations, Mrs. You're 3 weeks pregnant"

May iba pang sinabi ang doktor bago lumabas pero hindi ko na yon naintindihan pa.

I'm pregnant. I'm having a child with Wyatt.

I don't know what to think anymore. Hindi ko man lang napansin ang lahat ng sintomas na nararanasan ko dahil inakala ko na normal lang iyon.

"Faye" Wyatt called.

Nang lingunin ko ito ay matiim siyang nakatingin sa akin.

"You're not happy? You don't want to have a child with me?" ani nito sa seryosong boses pero halata naman ang pagdaan ng sakit nito.

Umiling ako rito at doon ay parang nalugmok siya kaya agad akong naexplain sa kaniya.

"It's not that I don't want it, Wyatt. Paano kung hindi pa tayo handa? Ano na lang ang mangyayari sa kaniya diba? I saw Divi getting pregnant before and it's so hard, Wyatt. Paano kung hindi ko kayanin?" sunod-sunod kong tanong dito.

Dinaluhan naman agad ako nito ay niyakap. Inalo niya ako habang naiiyak ako sa mga bisig niya.

"It's okay, Faye. Don't think about that, hmm? I'm here at hindi ko hahayaang mahirapan ka. I will do everything and I'm willing to share your burdens. Hindi mo kailangan mag-isa kasi hindi ko hahayaang mapalayo pa sayo, Meraiah" he whispered while still hugging.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now