Chapter 16

168 6 0
                                    

Nang mapagdesisyunan kong tanggapin ang alok niya ay hindi ko muna ito sinabi kay Wyatt. I still need lots of time to think at ayaw ko nang magpadalos-dalos ulit ng desisyon.

When I told him to give me more time to think, I thought he won't show up on me dahil kino-consider na niya ang sinabi ko pero naging mali ang akala ko. Because for the past few days, wala nang ibang ginawa ang lalaki kundi magdoorbell at tumambay sa condo ko.

Gaya na lamang ngayon, kapapasok pa lang niya at agad siyang umupo sa sofa na akala mo ay siya talaga ang may-ari.

"Why are you here again, Wyatt?" I asked and as usual, he just shrugged.

"I'm bored" he answered and I sighed.

Yun naman kasi palagi ang nirarason niya. Pero kapag andito naman siya ay wala rin naman siyang ibang ginagawa kundi umupo at manood ng kung anong palabas.

"Don't you have work? Bakit parang sobrang luwag naman ng schedule mo?"

"Tinapos ko na ang mga 'yon sa opisina. I don't want to do more works outside the office" muling wika niya.

"May himala bang nagaganap?" I joked pero hindi niya man lang akong pinansin.

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon dahil nang maging secretary niya ako noon ay wala naman siyang ibang inaalala kundi trabaho. Na kahit saan man siya magpunta ay pasan-pasan niya ang mga gawain kahit next week pa naman gaganapin.

Hinayaan ko na lamang siya at nagpunta ako sa kitchen para hugasan ang mga pinagkainan ko. Sa totoo lang ay nabibilisan ako sa mga nangyayari at maging sa mga nagiging trato niya ngayon.

He's now acting like we're long time friends na hindi ko naman makwestiyon. Is this because that he wants me to be his secretary again?

"You're spacing out, Meraiah"

I almost jump nang marinig ko siyang magsalita at agad ko siyang nilingon. "Bakit namah bigla kang nanggugulat?"

"Kanina pa kita tinatawag pero hindi mo man lang ako pinapansin. Anlalim naman ata ng iniisip mo" puna niya.

"Wala iyon. May kailangan ka ba?"

"I'm actually asking kung may gusto ka bang kainin para magpadeliver ako. I'm kinda hungry na rin kasi" saad niya at napaisip naman ako.

"Maybe pizza?" tumango na lamang siya at umalis ng kusina habang pinagpatuloy ko nalang ang paghuhugas ko ng pinggan.

Matapos kong maghugas ay dinaluhan ko na rin siya sala. Gaya ng nakasanayan ay naupo ako sa sofa kaharap niya at nakinood nalang rin ako.

Tahimik lang kaming nanonood at maya-maya ay lumabas siya para kunin ang pinadeliver niya. Ako naman ay agad na minessage si Divi para humingi ng payo.

Hindi naman ako nagkamali ng kinausap dahil agad kong naunawaan ang payo niya. Ngayon na magtatrabaho na ulit ako sa kaniya ay ang kailangan ko lang gawin ay ang huwag hahayaan na mahuhulog ako sa kaniya.

Muling bumukas ang pinto at pumasok si Wyatt na may dalang pagkain. Agad ko naman siyang dinaluhan para tulunyan siya sa pagdala.

Dinala ko rin ito sa sala at kumuha na rin ng plato sa kusina. Siya naman ay binuksan na ang mga pagkain at nagsimula na rin kaming kumain.

We were just silently eating while watching the movie. Galit galit muna kami ngayon dahil kumakain.

"How much time you still want, Faye?" biglang tanong niya habang nakatingin pa rin sa screen.

"What?"

"Nothing. Forget what I said"

I just nodded at hindi na rin siya umimik. Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay hindi pa rin siya nagsasalita at kahit isang segundo ay hindi man lang siya lumingon sa akin.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now