Chapter 29

175 5 0
                                    

Are you pregnant?

I don't actually understand why did Divi say that. I don't think think I'm pregnant and I'm not ready for it.

May problema pa kaming kinahaharap at hindi ko kayang pagsabay-sabayin ang mga problema.

I am now driving towards Wyatt's condo to see him. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko habang papunta.

Matapos akong tanungin ni Divi kung buntis nga ba ako ay umalis na lang ako bigla. It's just a hunch at hindi pa naman napapatunayan kaya kailangan kong kumalma at mas unahin kung paano kami magkakaayos ni Wyatt.

I'm not making things up to him just because of thinking that I might be pregnant kundi dahil ito sa alam kong tama ang gagawin ko.

Sa totoo lang ay pagod na pagod na ako sa sitwasyon namin. Gusto ko siyang lumayo pero ako rin itong gustong pabalikin siya.

Siguro dahil sa maikling panahon na nagkasama kami ay sobrang gaan ng loob ko sa kaniya. He did treat me right like I'm his queen. Na kahit anong taboy ko sa kaniya ay hindi siya susuko at gustong magkaayos kaming dalawa.

Ibang-iba siya kay Jake noon na pinapalipas lang ang aming problema. I don't want to compare pero higit na mas maganda ang pagsasama namin ni Wyatt.

I know it's not comparable from the years of being in a relationship with his brother but who cares when I know that I love Wyatt more than him.

Kasi noon ay kaya kong iwan at itapon ang ilang taong pagsasama namin pero pagdating kay Wyatt ay handa akong makipag-ayos at ayusin ang relasyon naming dalawa.

Habang nagmamaneho ay punong-puno ang isipan ko at hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa condo nito.

Pinark ko na agad ang kotse ko saka nagtungo sa reception. I logged my name there at nagtungo na sa condo ni Wyatt. Hindi naman ganoon kahigpit dahil ilang beses na rin ako noong nakapunta rito.

Habang nasa elevator ay kabadong-kabado ako. There are tons of what ifs na nagpapakaba sa akin.

What if ayaw na niya? What if narealize niyang hindi ako worth it at maghahanap na siya ng iba?

Sa naisip ay sumakit lang ang puso ko kaya agad ko itong kinalimutan. Ayokong masyadong mag-isip ng hindi maganda.

Nang makarating na nga ako sa floor niya ay dahan-dahan akong nagtungo papunta sa condo nito.

I know his passcode pero nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako o hindi. Kung kakatok na lang ba ako kaysa dederetso ako ng pasok.

Sa ilang minuto kong pag-iisip ay pinindot ko na ang passcode. Nang tumunog ito at bumukas ang pinto ay dahan-dahan akong pumasok.

And when I saw what's the inside, agad akong natigilan at kinabahan.

Tons of alcohol bottles are there. Sobrang kalat ng condo at parang dinaan siya ng bagyo. Madaming kagamitan ang nasa lapag at may nga butil pa ng basag na bote.

Agad akong nagtungo sa kwarto ni Wyatt. I saw him peacefully sleeping pero halata sa itsura nito na halos wala siyang tulog. He looked so miserable at may tuyong luha pa sa mga mata nito.

My heart ached while looking at him. He doesn't deserve this. He deserves to be happy pero hindi ko yon hinayaan.

Sighing, lumabas ako ng kwarto nito at nagsimulang linisin ang mga kalat. Hindi maganda ang amoy ng buong condo dahil sa halo-halong amoy ng nga alak.

Nagsimula akong kunin ang mga boteng nakakalat at winalis ang mga bubog sa sahig. Ginamit ko rin ang mop niya para mas linisin ang sahig.

Pagpunta ko sa kusina ay halos tambak rin ang mga hugasin. Puro baso ang naroroon at halos wala man lang kahit anong pagkain.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now