Chapter 1

420 16 0
                                    

I think most of the girls dreams to have a man beside her who will treat her like a queen. A man who is willing to do anything just to make his woman happy. A man with dignity. So when they saw a man like that in real life, they want that kind of man in their life.

Well, that's what I'm feeling right now. Being treated like a queen by my fiance. Or so I thought...

Because today, I'm in a restaurant waiting for Jake to show up. He texted me earlier that we will have a dinner together in the same restaurant we first met. And now, he's 20 minutes late and I'm now starting to get pissed at him.

Ilang beses ko na siyang tinext pero wala pa rin siyang reply. I also tried calling him but he's out of reach. Ilang beses na ring nagpabalik-balik ang waiter sa akin para tanungin kung ano ang order ko.

Nakailang beses ko na ring cineck and cellphone ko para tingna kung may reply na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Wala naman siyang sinabi sa akin na mag-o-overtime siya sa work niya kaya di ko na alam kung nasaan siya ngayon.

Makailang beses ko pang tiningnan ang phone ko when he finally showed up.

"San ka ba galing, Jake? Kanina pa kita inaantay dito oh. Sana naman magsabi ka kung mali-late ka para di ako mukhang tangang nag-aantay sayo rito." agad kong sabi sa kaniya.

"I'm just 20 minutes late, Maraiah, wag ka namang OA dyan. Kararating ko lang tapos yan na agad ang isasalubong mo saken?"

Kung kanina ay nainis na ako sa kaniya ay mas lalo pa atang lumala. Really? He has the guts to say that to me?

"Wow ah. Ikaw na nga itong late ikaw pa ang ganiyan? Ang akin lang naman ay sabihin mo kung mali-late ka. Kesa naman hindi ka nagrereply sa mga texts ko at mukha akong tangang nag-aantay sayo rito" I explained to him and he just scoffed. I sighed and I just raised my hand to call the waiter.

"Let's just order order our food" I said and I took the menu on the waiter. Ganon na rin ang ginawa niya at nagsimula na nga kaming umorder.

Umorder lang ako ng seafood pasta at isang champaigne habang si Jake naman ay nag-order ng steak. Matapos naming sabihin ang aming order ay nanahimi nalang ako. Parang hindi ko kaang makipag-usap sa kaniya nang hindi naiinis.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko para libangin ang sarili ko. I scrolled on my feed at pinapakiramdaman ko na rin si Jake. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakafocus lang din siya sa cellphone niya. He didn't even bother to say sorry for what he did earlier.

Mas lalo lang akong nairita sa kaniya. Saka niya lang binaba ang phone niya nang dumating ang oder namin. At kahit sa nagsimula na kaming kumain ay hindi nya pa rin ako iniimikan. Nagsisimula na rin akong mawalan ng ganang kumain dahil sa ikiniilos niya.

At nang hindi na ako makatiis, agad akong tumayo sa kinauupuan ko at kinuha ang bag ko.

"Huwag nalang tayong magdinner kung ganiyan nalang rin naman, Jake" I said to him at agad na umalis.

Paglabas ko ng resto ay nagpara na rin ako ng taxi na agad namang tumigil sa harap ko kaya agad rin akong sumakay.

Habang nasa taxi pauwi ay agad namang umingay ang cellphone. Nang tingnan ko iyon ay puro text ni Jake ang bumungad sakin. Agad ko namang pinatay ang cellphone ko at pagod na sumandal.

Ilang minuto rin ang naging byahe at nang makarating ako sa condo ko ay agad namang kumalam ang tiyan ko. Saka ko lang naalala na hind nga ako msyadong nakakain kanina dahil agad rin akong umalis.

Tumingin nalang muna ako sa ref kung may makakain ba at nang wala naman akong natipuhan ay inopen ko nalang ang phone ko para mag-oder online.

Umorder lang ako ng iilang putahe na sasapat hanggang almusal ko bukas. Nawalan na rin naman na kasi ako ng ganang magluto dahil sa nangyari kanina.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now