Nang matapos nga ang mga meeting niya ay agad niya rin akong inaya na pumunta sa mall. Wala na rin akong nagawa dahil nakapag na rin ako kaya ngayon ay tangay tangay na niya ako.
Pagkapark niya ay agad na rin kaming pumasok at dumiretso sa isang boutique na kung saan ay may naka-display na iba't ibang klaseng gown.
"Choose, Faye. Don't worry about the price since I'll be the one to pay for it" saad niya kaya agad naman akong naglibot ng tingin.
Sa paglilibot ko ay may isang gown na nakapukaw ng atensyon ko. It's a backless black gown with a slit. I am mesmerized with it kaya agad ko itong nilapitan.
Hinawakan ko ito at nang mapadako ang tingin ko sa tag price ay agad ko itong nabitawan. The gown is worth fifty thousand pesos.
Napansin siguro nila ang pagbitaw ko rito kaya agad nila akong dinaluuan.
"That's actually a good choice, Ma'am. It is made by the famous fashion designer and it also delivered from Paris" paliwanag pa nito.
Napadako ang tingin ko kay Wyatt at mag-aaya na sanang lumipat sa store nang tumango na lamang siya sa akin.
"I told you to don't worry about the price kasi ako naman ang magbabayad. If you want it, then I'll buy it for you"
Napadako ulit ang tingin ko sa gown. For sure hindi na rin na papayag si Wyatt na pumunta pa kami sa iba kaya pinili ko nalang rin yung naunang gown dahil nang tumingin ako ng iba ay mas mahal ang presyo ng mga 'yon.
Matapos naming makapili ng isusuot na gown panibagong boutique naman ang pinuntahan namin. This time, sapatos naman ang bibilhin. Tinangka kong umalma dahil may ipapares naman ako sa napiling gown pero ang gaya ng sabi niya nang bumili kami ng gown ay huwag ko na lamang alalahanin ang presyon.
Pumili na lang rin ako ng babagay sa binili naming gown at walang pikit-matang binayaran ito ni Wyatt. Ang akala ko'y dederetso na kami sa bibilhan niya ng suite nang pumasok naman siya sa jewelry store at pinapili ako ng alahas.
Todo-tanggi na talaga ako at ayaw ko nang pumili pa dahil masyado kong pinaghihinayangan ang pera na ipapambili niya. Yes, he's rich pero kung bumili kasi siya ay parang pang-habang buhay nang gagamitin sa mahal.
Hindi niya ako napilit na pumili ng alahas at nang akala ko ay aalis na kami ay siya na mismo ang pumili ng alahas. Pumili na siya ng isang set agad niya rin itong pinabalot.
He looked satisfied nang mabili niya ang mga alahas at saka na kami nagpunta sa bibilihan niya ng suite. Naging madali lang din naman ang kaniyang pamimili at nang tingnan ko ang oras ay mag-a-alas siete na kaya nag-aya na lang rin siyang kumain.
Nagpabook na pala siya sa isang restaurant kanina kaya sinundan ko nalang rin siya nang papasok siya rito. Sinabi niya ang pina-reserve niya at tinuro nalang samin ng waiter ang pwesto.
Siya nalang ang pinag-order ko dahil baka mastress lang ako sa presyo kahit hindi naman ako yung magbabayad. Hindi naman ako mapili kaya ayos lang sa akin yung mga inorder niya.
Hindi naman kami masyadong naghintay ng matagal at kalaunan rin ay isa-isang sinerve ang mga order. Nagsimula na rin kaming kumain at paminsan-minsan ay nag-uusap.
"The part is at noon pa naman kaya kahit half day ka lang muna. Don't worry full pay naman ang mangyayari kasi ikaw naman mismo ang sasama sa akin. Also, kailangan rin namang mag-ayos kaya idederetso ko nalang sa house ko yung pinamili" saad niya at tumango na lamang ako.
"Nagbook na rin ako ng mag-aayos sayo kaya kailangan talagang agahan. Siguro mga 3 p.m ay ayos na dahil 7 p.m naman ang magsisimula ang party"
Tanging tango naman ang naisagot ko sa kaniya at nagpatuloy nalang ulit kami sa pagkain. Matapos ay bumalik kami sa firm dahil andun ang kotse ko. He insist na ihahatid niya nalang ako pero bukas ay kailangan ko pa ring pumasok kaya sabi ko ay kukunin ko nalang ang kotse ko.
YOU ARE READING
Her Wicked Revenge
RomanceWicked Series #1 Meraiah is already contented to her life. A work in a firm, a condo that she built for her future, and a loveable fiancé. And when they decided to get wed, Meraiah is the happiest in the world. But things got changed at the day when...