Chapter 18

173 6 0
                                    

Warning: SPG (Read at your own risk)

Pagpasok namin sa kotse niya ay tahimik lang si Wyatt. Maging nang nagmamaneho siya ay hindi niya man lang ako nilingon o kinausap man lang.

"Is there a problem, Wyatt?" marahan kong tanong sa kaniya.

"Kilala mo si Jake?" biglaang tanong niya.

I shook my head at his question. Hindi ko naman na ito tinuturing na kilala kaya bakit ko pa sasabihin. At baka mausisa lang din ang nakaraan namin kaya pinili kong itanggi na lang.

"I don't know him, Wyatt. He's just asking me earlier just like the other guys"

Tumango siya na parang kumbinsido at saka naman ako nakahinga nang maluwag.

I thought na ihahatid na niya ako sa condo ko pero patuloy lamang siya sa pagmamaneho at tumigil kami sa isang park na kung saan ay kita ang city lights. Bumaba siya sa kotse at saka naman niya ako pinagbuksan.

"Let's freshen up first here, Faye. Minsan na lang naman tayo pumunta sa mga ganito dahil sa trabaho"

Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon at saka kami naupo sa isang bench.

We just watch the beautiful scenery quietly. Tila ba napakapayapa ng gabi dahil sa tahimik na paligid ngunit may magandang tanawin.

"Did you enjoy the party, Faye?"

"Magagalit ka ba kapag sinabi kong hindi?"

"No. Kasi ikaw naman yung nakaramdam nun eh. So wala naman akong magagawa kung hindi ka nag-enjoy"

"The party is good actually but I didn't enjoy much"

"It's okay, Faye. Thank you for accompanying me tonight"

"It's my pleasure, Sir. Thank you for making an effort so I can look good at the party"

I turned my gaze at him at nakatingin siya nang diretso sa akin. Hindi ko magawang mailang kaya pinantayan ko ang mga tingin niya.

"You already look good, Faye. There's no need to thank me"

My heart started to beat so fast again. Napaiwas ako ng tingin dahil lalo lamang itong bumibilis kapag nagkasalubong ang mga tingin namin.

I stared again at the city lights para doon ituon ang atensyon ko. The wind blew kaya medyo lumamig sa lugar pero biglang nakaramdam ako ng init nang ilagay niya ang coat niya sa akin.

"It's cold now at baka sipunin ka pa. Manipis lang din ang suot mo kaya kailangan mo ng coat"

I said my thanks at sinuot na ito. Dumako muli ang tingin ko kay Wyatt na ngayon ay nakatingin na sa kalangitan.

Akmang tatawagin ko siya nang marinig ko ang pagkulo ng tiyan ko. Saka ko lang naalala na hindi ako nakakain nang maayos sa party.

Agad niya akong nilingon at bahagyang natawa. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Let's go to my place now, Faye. Ipagluluto nalang kita bilang pambawi dahil hindi ka nakakain nang maayos sa party" saad pa niya at tumayo na nga kami.

Bumalik na kami sa kotse niya at agad na niya itong minaneho. Ilang minuto lang din ang tinagal ng byahe kaya nakarating kami agad sa bahay niya.

Pumasok na rin kami at pinaupo niya muna ako sala. Siya naman ay nagtungo agad sa kusina at kumuha ng ingredients ng lulutuin niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya kaya napagdesisyunan ko nalang na lumapit.

"Can I watch you cook?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya naupo ako sa isang upuan para mapanood siya.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now