Chapter 20

188 7 1
                                    

What if I won't, Faye? What are you going to do?

Those lines still echoed in my mind kahit ilang oras na rin ang nakakalipas. After that scene ay umalis na rin agad ako at hindi na nagawang sagutin pa si Wyatt.

Ngayon ay nasa table ko ako at gumagawa ng mga reports. Hindi rin siya nagbigay ng anumang utos kaya panatag ang lagay ko ngayon.

I erased my thoughts about him in my head at pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa kong report when the intercom rang.

I picked it up at agad na bumungad ang boses ni Wyatt sa kabila.

"Come to my office"

Agad na akong nagpunta at kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko ay nakaupo siya sa swivel chair niya habang mariing sinalubong ang tingin ko.

"How's the report you're doing?"

"It is still not finish, Sir but I can complete it before the time that you gave me"

"How about my question, what's your answer?"

Natigilan ako sa tanong niya at napaiwas ng tingin dahil hindi ko na kayang salubungin ang tingin niya.

"You know that I won't stop until I get what I want right?" ani pa niya saka tumayo at naglakad papalapit sa akin.

Hindi ko magawang makaalis sa kinatatayuan ko at tila naka-glue na roon ang mga paa ko. Hindi ko pa rin siya magawang sagutin at nanatiling nasa baba ang tingin.

Tanging tunog lang ng yabag niya ang naririnig ko at maging ang tibok ng puso ko. Hindi ko rin magawang makahinga nang maayos dahil sa kaba na nararamdaman.

"W-What do you mean, Sir?" I asked nang tuluyan na itong nakalapit sa akin.

"Look at me, Faye. I want you to look at me with that stunning eyes of yours" he said huskily.

Unti-unti kong sinalubong ang mga tingin niya at mas lalo kong naramdaman ang paglakas ng tibok ng puso ko.

"Wyatt" I whispered.

"You don't have to answer my question for now. I can wait, Faye. I can really wait no matter how long it takes. Just don't avoid me, hmm?"

Instead of answering, I found myself nodding at him. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sumasang-ayon nalang ako sa mga sinasabi niya.

"I-I... I should go now, Sir. I'll finish the report that you want" ani ko at umalis na sa office niya.

Pagbalik ko sa table ko ay napahawak agad ako sa puso ko na hindi pa rin kumakalma. Ilang beses na akong napahinga pero patuloy pa rin siya sa pagtibok nang mabilis.

Akmang ipagpapatuloy ko na ang naiwan kong report nang tumunog ulit ang intercom at bumungad ang boses ni Wyatt na pinapaunta ulit ako sa office niya.

Sighing, agad akong pumasok sa office niya at prenteng nakamasid lamang siya.

"What is it, Sir?"

"Bring me a cup of coffee"

I almost rolled my eyes at him. He could've just said that in the intercom kanina hindi yung papapuntahin niya pa ako sa office niya para lang sabihin ang utos niya.

Kahit naiinis na ay dumiretso nalang ako sa pantry at agad siyang ginawan ng kape. Nilagyan ko na rin ng ilang pirasong tinapay dahil baka gutumin din siya. Nang matapos ay agad ko na ring dinala sa kaniya saka bumalik na sa table ko at pinagpatuloy ang ginagawa kong report.

Hours passed at namalayan ko nalang na lunch time na nang magpa-order si Wyatt ng lunch sa isang restaurant. He also said that he wants us to eat together at hinayaan ko nalang siya dahil kung hihindi ako ay parang naghahangad na rin ako ng away.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now