I thought everything will be alright. That there will be happiness after all the pain that I've got
Gustuhin ko mang tuluyan nang makalimot pero may mga bagay talaga na dumarating para mapigilan ang nais mong mangyari. Na kahit anong gawin mo ay laging nakakubli ang mga alaala na nais nang malimutan.
The first thing that I feel when I woke up is the grumpiness of my stomach. Ilang araw na akong sumusuka paggising ko sa umaga.
I really hate this feeling lalo pa at bigla na lang ako naiiyak kahit hindi ko naman alam ang rason.
Ngayon ay hindi ko na nasisilayan pa siya kaya kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Ni ayaw ko ngang makita maski ang anino niya dahil kung hindi sakit ay inis ang nararamdaman ko sa kaniya.
I'm still feeling dizzy kaya hindi ko naman magawang makapagluto. And as always, tanging delivery foods ang takbuhan ko.
I know should take care of myself lalo pa at wala akong makakapitan dahil ayaw ko namang mag-open kahit kanino kaya kahit wala akong gana sa mga bagay ay pinipilit ko ang sarili ko na bumangon.
There are things that I should consider gaya na lang ngayon. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay nag-oorder ako ng pagkain. It's just that tinatamad akong gumawa ng kahit anong bagay at gusto ko na lang mahiga at matulog.
I sighed before opening my phone. There's a message galing kay Divi na nireplyan ko naman. Madali siyang mag-alala kaya kailangan ko namang iwasan na alalahanin pa niya ako.
Nang nakapag-reply sa kaniya ay sakto namang dumating ang pagkain kaya kinuha ko na rin agad ito.
Pagkabukas ko palang ng lagayan ay agad na nanubig ang bagang ko dahil sa amoy ng pagkain. Kumain na rin ako dahil natatakam na sa amoy nito.
It's just a pasta and chicken. There's also a sandwich and a fries from a fast food chain. Madalas akong magcrave sa naturang pagkain kaya hindi ko rin mapigilang mapabili.
Matapos kong kumain ay napagdesisyunan kong bisitahin na lamang si Divi. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung nasa condo lang ako. Baka bumalik din si Wyatt at mainis lang ako rito.
I want to stay with them for a while dahil kahit papaano ay nami-miss ko na rin ng kasama. It's also fun when I'm with Nikko kaya magandang idea na pumunta. A week of stay with them won't get me into trouble.
Nag-impake na rin ako ng gamit ko at saka nag-ayos. It just took me some minutes before I finished saka na ako gumayak.
Pagkalabas ko ng condo ay walang Wyatt na bumungad sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko na hindi ko siya nakita kaya napailing na lang ako at umalis na lang.
Sakay ng kotse ay dumiretso muna ako sa isang cafe bago dumiretso kina Divi. It's the same cafe na dinaanan ko nun dahil nasarapan ako sa pastries nila.
I also informed Divi na sa kanila muna ako tutuloy na agad namang pumayag. May pasok din ito at walang magbabantay sa anak kaya pabor siya na pupunta ako.
Hindi naman ako nagtagal at nakarating na ako. Si Divi lang ang sumalubong sa akin dahil natutulog pa raw ang anak nito.
"I'm glad that you're here, Meraiah. May pasok din kasi ako ngayon at hindi ko siya madadala sa pinag-iiwanan ko dahil may lakad din ito ngayon. Anyway, how are you?" bungad nito pagkarating ko.
Pumasok na rin kami at nilagay ko lang ang pinamili ko sa table saka ako sumunod sa sala.
"Ayos lang ako, Divi. Ayaw ko lang masyadong nabuburyo sa condo kaya naisipan kong bisitahin kayo"
"Wala ka bang work, Meraiah?"
I just smiled at her before shooking my head. Kita ko ang agad na pagkunot ng mga noo nito.
YOU ARE READING
Her Wicked Revenge
Storie d'amoreWicked Series #1 Meraiah is already contented to her life. A work in a firm, a condo that she built for her future, and a loveable fiancé. And when they decided to get wed, Meraiah is the happiest in the world. But things got changed at the day when...