Chapter 25

180 4 2
                                    

Birthday ng pamangkin ko pero imbes na maki-join ako sa kanila ay nagmumukmok ako sa kwarto.

Nang katukin ako ni Divi ay hindi ako lumabas at dinahilan ko nalang na may ginagawa akong trabaho.

Ang mas lalo ko pang kinainis ay hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatawagan ni Wyatt para mag-explain. I really hate this feeling na parang naghihintay lang ako sa wala pero alam ko na kailangan ko pa ring maghintay.

Sa huling katok ni Divi ay napilitan na rin ako lumabas. Wala pa naman masyadong bisita at hindi pa rin dumarating ang sinasabing Daddy ni Nikko.

Busy naman ngayon ang pamangkin ko na magbukas ng kung ano-anong regalo na bigay sa kaniya at kita ko ang kasiyahan sa mga mukha nito.

"Tita, look. This robot is so cool" masayang sabi nito at itinaas pa ang robot.

"It's cool like you, birthday boy" ani ko naman dito at bahagyang ginulo ang buhok.

Bumalik na siya sa pagbubukas ng ibang regalo kaya nilapitan ko naman si Divi na nasa kusina ngayon.

"May problema ba, Meraiah? You look worn out" sabi niya paglapit ko.

"It's nothing, Divi. It's just about my work"

"Your work or your boss?"

Sa halip na sumagot ay inirapan ko nalang siya saka kumuha ng plato at kubyertos. "I'll eat first, Divi. I'm famished" tango nalang ang naging tugon niya kaya kumuha na lamang ako ng makakakain.

Pagkakuha ko ay agad na rin akong dumiretso sa kwarto ko para doon kumain. Busy din naman kasi sa sala nila at wala akong balak mang-aliw ng bisita nila.

Habang kumakain ay panaka-naka kong tinitingnan ang phone ko at inaantay na tumunog ito. I sighed nang hindi talaga siya tumunog hanggang sa matapos akong kumain.

Naiirita akong lumabas dala ang pinagkainan ko para mahugasan. Buti at busy si Divi sa mga bisita niya kaya hindi niya napansin ang masamang mood ko. Gumaan lamang ito kapag nakikita ko ang pamangkin kong wagas na makangiti sa kung sino.

Sa huli ay nilapitan ko nalang si Nikko para laruin at nang mabaling naman sa iba ang atensyon ko kaysa patuloy na mainis dahil wala pa ring message galing kay Wyatt.

"Tita, do you know where's my daddy?" biglaan niyang tanong.

"Daddy? I thought he's going here later"

"That's what he said when he called last night, Tita so I'm hoping that he could be here tonight" magiliw niyang sabi.

"What if he couldn't? Are you going to be mad at him?" tanong ko rito pero umiling lamang siya kahit agad na nalungkot sa tinuran ko.

"If he can't come tonight, then I wouldn't be mad at him because I know that he has reasons. I'm just gonna be sad though" he answered and he even pouted.

Akmang aaluhin ko na siya nang biglang lumiwanag ang mukha nito at excited na sumigaw.

"Daddy!"

Bigla siyang naglilikot at bumaba sa kandungan ko saka tumakbo sa pintuan. Sinundan ko siya ng tingin at may lalaki ngang nakaabang sa kaniya.

Agad itong niyakap ni Nikko at binuhat naman siya ng lalaki sa hinalikan sa ulo.

"You came, Daddy. Just like what you promised" excited niyang sabi rito.

Ngumiti lamang ang lalaki saka ginulo ang buhok ng bata kaya natawa silang pareho.

Sunod ay nakita ko si Divi na dinaluhan sila. Agad naman nitong niyakap si Divi gamit ang isang kamay habang buhat si Nikko. Aakalain mong isa silang masayang pamilya.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now