Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mata. I lookd at the clock beside me at napagtanto ko na alas siete na ng umaga.
Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng kwarto at saka ko lang naalala ang nangyari sa amin ni Wyatt kagabi.
Napagpasyahan kong bumangon at agad kong naramdaman ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko. I want to blame myself for this pero ginusto ko rin naman ang nangyari kaya wala na akong magagawa kundi tiisin ito.
Paika-ikaw akong nagpunta sa banyo upang maghilamos at makapag-ayos. Matapos ay lumabas na rin ako ng kwarto at naabutan ko si Wyatt na nagluluto sa kusina.
Lumingon ito at nang magtama ang paningin namin ay agad siyang ngumiti kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Come here, Faye. Breakfast is almost ready" saad niya at dinaluhan ko naman siya.
Tinapos na niya ang pagluluto at inihain na rin ito. Nagsimula na kaming kumain at pareho lang rin kaming tahimik. Paminsan ay nagkakatinginan kami at saka magngingitian at muling babalik ang tingin sa pagkain.
"What's your plan for today, Faye?"
"Papahinga lang sa condo ko"
"Hatid na kita mamaya. Sabihin mo lang sakin kung uuwi ka na"
Tinanguan ko na lamang siya at pinagpatuloy na ang pagkain. Matapos namin ay ako na mismo ang naghugas ng pinagkainan namin kahit pa tutol siya.
Hindi pa rin siya umaalis at nakatanaw lang sa akin habang naghuhugas ako pero hindi ko na siya pinansin pa.
Matapos kong maghugas ay napagpasyahan kong umuwi na dahil wala naman akong gagawin dito sa condo niya.
"Wyatt I wan't to go home" paalam ko sa kaniya at tumango naman siya saka kinuha ang susi ng kotse niya.
Umalis na rin kami sa sinabi ko sa kaniya na sa kompanya nalang niya ako ihatid dahil andun ang kotse ko at hindi ko pa ito nakukuha. Wala rin naman na siyang sinabi pa at dineretso niya na lang ako sa firm niya.
Pagdating namin ay bumaba na rin ako at hindi ko na hinintay pang bumaba siya dahil agad na rin akong pumasok sa kotse ko at nagpaaalam na sa kaniya saka tuluyang umalis.
Kita ko ang pagkalito sa mga mata niya dahil na rin siguro sa inaakto ko pero hindi naman na ako nagpaliwanag pa.
Imbes na pumunta sa condo ko at napagpasyahan kong pumunta nalang sa tinutuluyan ni Divi tutal ay bakante nalang rin ang araw ko ngayon. Ilang minuto lang din naman ang byahe kaya madali lang din akong nakarating sa kanila.
Pagpunta ko ay sumalubong sa akin ang mag-ina na nasa sala at tinuturuan si Nikko magbasa. Nang makita nila ako ay napatigil rin at nabaling sa akin ang atensyon nila.
"Raiah, you're here. Sana sinabi mo na darating ka para nakapaghanda naman ako ng almusal mo" agad na bati niya.
"Kakatapos ko lang rin naman kumain bago ako pumunta dito kaya hindi na kailangan, Div. Anyway, anong bonding ang ginagawa niyo?"
"Eto kasing si Nikko eh kinukulit akong turuan daw siyang magbasa kaya hayan at hindi na rin ako nakatanggi pa"
Napangiti ako saka sinulyapan ang pamangkin kong cute na nakasulyap sa amin. Nilapitan ko ito at nasilip kung ano ang binabasa niya. It's a book about English language na halos pang-Grade 2 na.
"Hindi ba masyadong advance ang tinuturo mo, Div?" komento ko rito.
"Binigay lang din 'yang libro na yan at 'yan din ang kinuha niya kaya tinuruan ko nalang din siya. Alam na rin naman niya yung basics kaya ayos nalang rin yan"
YOU ARE READING
Her Wicked Revenge
RomanceWicked Series #1 Meraiah is already contented to her life. A work in a firm, a condo that she built for her future, and a loveable fiancé. And when they decided to get wed, Meraiah is the happiest in the world. But things got changed at the day when...