Chapter 9

175 5 0
                                    

The next day ay maaga akong nagising dahil maaga rin ang alis namin. Nahanda ko na rin naman na ang kakailanganin ko sa magiging trip namin at ngayon ay aayusikasuhin nalang si Nikko at ang magiging pag-alis ko.

Gising naman na si Nikko kaya inumpisahan ko na rin ang paggawa ng almusal namin. Divi will come here any time soon kaya inuna ko muna ang pakainin ang bata kaysa maligo.

Matapos kong makapagluto ay kumain na rin kaming dalawa at binihisan na rin ito. Divi texted me na kahit hindi naman na maligo muna ang bata kaya pinunasan ko nalang muna saka binihisan.

Hindi nga rin nagtagal ay tumunog ang doorbell ko at pagbukas ay tumambad na rin si Divi na sinusundo na ang anak. Hindi na rin naman na sila nagtagal at nang makaalis ay sinimulan ko naman ang pag-aayos sa sarili ko.

Naligo na rin agad ako at nagbihis ng hinanda kong damit. Binlower ko ang buhok para madaling matuyo at maitali na rin. I checked the time and it's almost 6 am na kaya binilisan ko nalang rin ang pagkilos ko.

Nang maitali ko na nang maayos ang buhok ko ay naglagay lang ako ng konting make up para naman magmukhang presentable. I'm wearing my office attire dahil kahit naman sa palawan kami pupunta ay para pa rin naman yon sa business. Of course nagdala rin ako ng isang pares ng swimsuit just in case na magswimming ako.

Maya maya lang rin ay tumunog ang phone ko and when I checked it, I saw Wyatt's message saying that he's already on his way kaya mabilis ko na ring tinapos ang ginagawa ko at nagmadaling bumaba sa unit ko.

Hindi rin naman ako naghintay nang matagal dahil saktong pagbaba ko ay siya ring pagkita ko ng sasakyan ni Wyatt kaya dali na rin akong sumakay.

"You're just on time, Ms. Oliva. Good morning by the way", he greeted at pinaandar na rin ang sasakyan niya.

"Good morning too, Sir", I greeted back and he just nodded his head.

"Pupunta na tayo sa airport dahil 9 na ang flight natin. Make sure na bago pa ang pagdating natin sa Palawan ay ready na ang magiging schedule ko", paalala niya kaya tumango naman ako at agad na kinuha ang phone ko para icheck at ayusin ang schedule niya ngayong araw.

Natapos ko na rin ang pag-oorganize ng schedule niya nang huminto kami sa isang drive thru.

"What do you want, Ms. Oliva?" he asked and I stated my order. Chicken sandwich and coffee lang ang sinabi ko since kakatapos ko lang rin kumain.

Inorder na niya ang mga kakainin at dumiretso sa isang counter para kunin ito. Matapos na makuha ay binigay niya lang sakin ang pinamili saka na kami dumiretso papuntang NAIA.

Pagkarating palang namin ay naupo na rin kami sa waiting area dahil ilang oras pa naman ang flight. Binigay ko na rin ang inorder niya kanina at nagsimula na rin kaming kumain.

Pareho rin naman kaming walang imikan at tutok lang sa pagkain. Chineck ko ang phone ko at minessage ko muna si Divi dahil hindi ko iyon nagawa kanina.

Nag-usap lang kami dalawang at pansin ko naman ang pananahimik sa isang tabi ni Wyatt kaya naman kinamusta ko siya.

"Are you okay, Sir?" I asked and he nodded quietly.

"I'm good", tumango lang ako sa kaniya at nagmessage ulit kay Divi when I heard him groaned kaya napatingin ako sa kaniya.

"Are you sure you're really okay, Sir?" I immediately asked him and he nodded.

Tinapos ko nalang rin ang pakikipagtext kay Divi at tumutok nalang ako sa pagkain ko. Matapos kong kumain ay chineck ko ulit ang phone ko para sa mga importanteng gawain. I'm actually confirming Wyatt's schedule when he suddenly asked.

Her Wicked RevengeWhere stories live. Discover now