Chapter One

1.1K 17 2
                                    

(Third year College)

Nagkatinginan si Abby at Kelly ng makita nila ang college heartrob ng kanilang campus na si Champ Alonzo. He was really handsome, everybody likes him including her bestfriend na ngayon nga ay nagsisimula nang kiligin.

"Jeez! Stop looking at him Kelly,"

"I cant help but to fall in love with him day by day."

Abby rolled her eyes. Mortal enemy ang tingin niya sa lalaking hinahangaan nito. That Champ was her childhood nemesis, palibhasa friends ang mga magulang nila kaya nagkakilala sila ng binata.

"Huwag ka nga. Champ Alonzo was the most coward guy I've ever met. Takot na takot yan sa dugo at nangangatal yan pag madilim ang paligid." But because he was so hot, natakpan ang mga flaws nitong iyon lalo na nung mag-nursing ito which was so freaking impossible dahil nga DUWAG ito.

"Stop ruining his reputation, alam kong galit ka sa kaniya kaya mo siya sinisiraan sa akin. Abby, your my bestfriend! Kaya dapat you are supporting me."

"You are my bestfriend and he is my best-enemy kaya ayaw ko masaktan ka."

Biglang natahimik si Kelly, sabay yakap sa akin. "Thanks! But I would really appreciate it kung gagawa ka nalang ng paraan para maging kami ni Champ."

"Hayyyy.... Wala ka nang gamot neng."

Kelly smirked.

Muli ay tinignan ko si Champ, he is still satnding at the university ground while talking to a group of preppy girls.

"Ang mabuti pa ikaw nalang ang gumawa ng paraan para pansinin ka nung panget na yon." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa susunod naming klase, sumunod naman si Kelly sa akin and we walked side by side.

(Abby)

After ng klase ay nagpaalam na sa akin si Kelly, marami pa daw siyang gagawin. Ako naman ay nagpunta sa library para mag conduct ng reseach tungkol sa mga bagong technology ng ibang bansa.

Kumuha ako ng ilang libro sa rack at naupo sa isang bakanteng table na malayo sa karamihan. Yung iba kasi napunta lang sa library para mag-retouch, makipagbulungan o di kaya ay para sulyapan ang lalaking tambay ng tambay sa office ng nanay nitong chief librarian na walang iba kundi si Champ.

Glass panels lang ang pagitan ng office nito at ng mga readers kaya kitang kita ang galaw mo sa loob niyon.

Pagkatapos magbasa at mag-take notes ay ibinalik ko na ang mga libro sa rack at inayos na ang mga gamit ko.

Pasado alas singko na ako natapos kaya ako nalang ang reader sa library. Pagtayo ko ay may lalaking umupo sa tabi ng upuan ko at hinila ulit ako paupo. Anak ni Tarzan! Tama bang hilahin ako ulit pagkatapos kong tumayo.

(Author)

Napatitig si Abby kay Champ na nakangisi sa kaniya. Even with that sarcastic smile ay gwapo parin ito.

"Sabay na tayong umuwi, Abby."

"Ayoko." She refused. Alam niya ang nilalaman ng mga matang iyon ni Champ. Baka tripin lang siya nito tulad nang ginawa nito sa kaniya nung mga bata palang sila.

"Bakit?" sumimangot si Champ. "Hindi mo ba alam na kapag nakita nilang ako ang kasabay mong umuwi iisipin nilang girlfriend kita."

"Kaya nga ayaw ko eh!" binatukan niya ang binata. "Bitawan mo na nga ang kamay ko."

Kanina pa pala nitong kawak ang kamay niya. Simula nung hilahin siya nito paupo. Binitawan naman iyon ni Champ.

"Isusumbong kita sa mama mo." Pananakot nito.

CHAMP (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon