Katatapos lang ng huli naming subject ni Kelly, bago lumabas ay nag-retouch muna siya. Ngayon daw kasi ang date naming tatlo nila Champ.
As if naman oh! Hindi ako magpapaganda sa isang yon. Nauna na akong lumabas sabi ko kay Kelly hihintayin ko nalang siya sa labas ng room, nagulat nalang ako ng makita kong nag-aabang si Champ sa may study table doon. He is wearing his uniform, yung pang nursing ^_^ ang gwapo niya promise!
Nakita niya ako pero hindi niya ako pinansin, asa pa siya! Hindi ko rin siya papansinin, matapos niya akong sabihang pangit nung isang gabi, nek nek nya!
"Ui." May kumulbit bigla sa akin.
"Ay unggoy!" Si Champ pala.
"Unggoy your face, nasan na si Kelly."
"Hindi ako hanapan ng nawawalang kalabaw."
"You're mean, mukha ba siyang kalabaw?" he look fond of talking with me. Totoo ba tong nakikita ko?
"Hindi, ikaw ang mukhang kalabaw at mukhang magsasaka."
"I hate you." He hissed on my face.
"I hate you too!" I replied, weird but he smiled.
"I hate you most." Ayaw magpatalo. O siya, award ka na!
Ang tagal naman kasi ni Kelly, nireretoke pa yata niya sa loob ng classroon yung mukha niya! Kakainis, kung talagang may pag-asa siya dito sa Champuradong bakulaw na matangkad na ito eh hindi niya na kailangan ang kolorete.
"Galit ka ba talaga sa akin Abby?"
He uttered my name, sweetly. Nabibinggi na yata ako gawa nung high volume ng ipod ko, hindi ko na gagamitin yon. Bwisit!
"Pake mo!"
Kelly to the rescue sa nalalapit na panuntok namin ni Champ.
"Guy's lets go!"
"Tara." Inakbayan pa ito ni Champ at nilagpasan ako.
Bakit ganito ang pakiramdam ko...? Nevermind.
(Author)
Their date went well, nanuod silang tatlo ng sine. Kumain sa isang restaurant at nag-laro sa Timezone. Si Abby lang ang hindi nag-enjoy ng todo dahil walang pumapansin sa kaniya, not even her bestfriend na allured masyado kay Champ.
Feeling ni Abby, aagawin ni Champ sa kaniya ang bestfriend niya. But above all, natatakot siya magkatuluyan ang dalawa for some reason na hindi niya ma-identify.
(Abby)
"Bye Kelly." Nakipag beso sa akin si kelly bago siya lumabas sa kotse, nasa backseat kaming parehas at si Champ naman ay katabi ng driver nila. Dahil una ang bahay nila kelly ay siya nag unang inihatid.
Naupo sa tabi ko si Champ at kinuha ang kamay ko para halikan.
Bakit niya ginawa yon.
"I'm sorry."
Nahigit ko kay Champ yung kamay ko dahil parang napapaso ako sa tipo ng pagkakahawak niyang yon. Bakit ganito? Bakit? Bakit!!!!!!
"For what?" tinatagan ko ang boses ko, di ako dapat mag-stammer. Ten minutes pa ang byahe hanggang sa amin, kailangan kong maging matatag sa mga sasabihin niya.
"Dahil malungkot ka, It's all my fault." He is still holding my hands. I felt it shake a bit.
"Sino naman ang nagsabi sayo na nalulungkot ako?"
"Kitang kita nga sa mukha mo eh."
"Hoy! Hindi ako nalulungkot dahil sayo. Ano ka importante?"
BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
Fiksi UmumChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...