(Abby)
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sakit na nararamdaman ko ngayon, but one thing for sure is clear. Unti-unti na akong nilalayuan ng kaligayahan...
Mula nung iuwi ako ni Duke at Champ ay hindi na ako naging sobrang saya. Why does happiness just visits us? Bakit hindi ito nananatili sa ating tabi?
One month na akong hindi pinagkakakausap, pinapansin, tinetext at tinatawagan ni Champ. Nakikipag break na ba siya? Pero sa anong dahilan...
Bigla niyang naisip ang kapakanan mo...
Paulit ulit na nagrerewind ang sinabi sa aking iyon ni Duke.
Bigla niyang naisip ang kapakanan mo...
Naisip ba ni Champ na malulungkot ako kapag nawala siya sakin?
Bigla niyang naisip ang kapakanan mo...
Naisip ba niyang magiging miserable ako...?
Hindi ko na kaya, sumasakit na ang ulo ko kaiisip ng posibleng dahilan kung bakit niya ako iniiwasan.
Nakaramdam ako ng hilo, nitong mga nakalipas ng araw ay palagi ko yong nararamdaman dahil malimit ay puyat ako at walang ganang kumain. Time na siguro para ipatingin ko sa doctor ang nararamdaman kong ito dahil baka anemic na ako.
Pagkatapos ng una kong klase ay may three hours kaming vacant, makakadaan pa ako sa doctor. Nagpunta ako sa parking lot, nakita ko yung driver namin na asusual ay inuubos ang oras sa pakikipag chikahan sa driver nila Champ.
"Ma'am saan po tayo?"
"Punta tayo sa hospital, magpapacheck up ako."
Binuksan niya yung backseat at pinapasok ako. Hindi ko na mawari dahil nagbubutil butil na yung pawis ko sa noo. God ang sama po ng pakiramdam ko.
Pagdating namin sa hospital ay nakasalubong ko si Duke, nginitian niya ako which is heart warming.
"Why are you here?"
"Masama ang pakiramdam ko eh." Pinunasan ko ang pawis ko at napasandal na sa pader. Hilong hilo na ako.
"Halika." Inakay niya ako sa braso at ipinasok sa isang kwarto doon na may gold plate sa pinto at nakalagay ang pangalan nito- Dr. Duke Vincent Trillos at sa ibaba ng name ay may nakalagay na Physician.
Pinahiga niya ako sa kamang naroon. Kumuha siya ng gloves at nagsuot ng mask.
Lumapit siya sa akin at itinapat ang stetoscope niya sa dibdib ko.
"Medyo, hindi nga normal ang hearbeat mo." May kinuha siya sa white coat niya at inabot iyon sa akin. Isang maliit na baso. "Lagyan mo ito ng urine sample mo."
Naiilang ako pero kinuha ko yung maliit na baso at pumasok sa c.r para lagyan yun nung hinihingi niyang sample.
Inabot ko sa kaniya yung baso. "Good." Tumango si Duke, binuksan nito ang isa sa mga drawer ng table nito at inilabas don ang isang.... PREGNANCY TEST KIT!
"Woah! Bakit anung meron?" naitanong ko sa kaniya.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Imbis na magsalita ay pinatakan niya ng urine sample yung PT.
"Just wait for two minutes."Inabot niya sa akin ang wala pang resultang PT.
Nawala yung hilo ko, napalitan ng takot.
Paano kung buntis nga ako... hindi pa ako handang maging ina!
UWAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!! Champ! I need you...
Hindi ko magawang tignan yung PT na inabot sa akin ni Duke, kinakabahan ako kaya ibinalik ko yun sa kaniya.
"Oh' congratulations, magiging mommy kana."
BINABASA MO ANG
CHAMP (Completed)
General FictionChamp will conquer his fears for the only woman he love, but the same fear will force him to let her go. After 5 years their path cross and this time nothing can stop him from winning her back. The question is will she accept him after he left her w...